^

PSN Showbiz

Lovelife ni Rufffa nabuhay na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Ruffa Gutierrez dahil kasama siya sa pelikulang pinagbibidahan nina Coco Martin at Sarah Geronimo na Maybe This Time. Na-enjoy daw ni Ruffa ang kanyang role sa nasabing proyekto.

“Mapapanood at makikilala na nila si Monica and si Monica isang achiever, isang babaeng who knows what she wants. Whatever she wants, she gets. Siguro sinasabi nilang mataray siya at tinatawag siyang iba, ‘yung officemates niya na itong babaeng ito matapang, mataray pero hindi. She just expresses herself in a different way and gano’n talaga kapag isang leader pero in the end masarap siyang magmahal,” pagbabahagi ni Ruffa.

Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig ay masaya naman daw ang aktres ngayon.

“Well, hindi naman siya dead, hindi naman siya buhay na buhay, tamang-tama lang may nagpapangiti naman sa akin noh? After three years of being lonely, I can smile,” makahulugang pahayag ng aktres.

Kung sakaling magkaroon ng karelasyon si Ruffa ay suportado naman daw siya ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. “Although si Lorin she sent me a long letter, ang sabi, ‘Mommy as much as I want you to be forever, naintindihan namin that you know you will end up loving someone. I don’t want you to grow old alone.’ Iyak ako nang iyak, sabi ko nakaka-touch naman ‘yung letter ni Lorin. So I cried for one hour, medyo nag-bonding moment kami and then sabi naman ni Venice, ‘You know I can’t beat Lorin’s love letter, can I just tell you how I feel?’ Nakakatuwa naman and they are mature kids now, they know that I will love again and meron na silang list of qualifications kung anong kailangan kong gawin,” kwento ng aktres.

JC naghihintay pang mawalan ng trabaho bago ligawan si Meg

Wala raw panahon si JC De Vera na makipagrelasyon ngayon dahil kabi-kabila ang kanyang proyekto. Bukod sa panghapong teleserye na Moon of Desire ay bida rin ang aktor sa The Legal Wife na napapanood naman sa Primetime Bida.

“At the moment wala, wala talaga akong dine-date. Gustuhin ko man pero wala, wala r in. Even sa set sinasabi nila, ‘Wala ka bang nagugustuhan dito?’ Wala eh, parang masyado kang pagod para isipin mo kung sino magugustuhan mo. Ako ngayon all work talaga,” paliwanag ni JC.

Marami raw nagsasabi kay JC na bagay sila ng kanyang leading lady na si Meg Imperial at tinatanong din ang binata kung may posibilidad bang ligawan niya ang dalaga. “Siguro ‘pag mas lenient na ‘yung time para sa aming dalawa, siguro possible, possible naman siya. Hindi ko lang muna ina-accept ‘yung thought n kailangan magka-developan kami,” pagtatapat ng aktor. “Right now, working hard pa rin kami para doon sa chemistry. Kasi ‘yun nga since lahat kami bago, lahat nang kasama ko first timers din. So alam mo ‘yun, medyo mahirap talaga ‘yung show na ginagawa,” dagdag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS    

                 

vuukle comment

COCO MARTIN

DE VERA

LEGAL WIFE

LORIN

MAYBE THIS TIME

NAMAN

RUFFA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with