Wowie sasalang na sa drama
Kaabang-abang ang episode ng long-running weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi, hindi lamang dahil sa magandang kuwento nito kundi magsisilbi itong balik-tambalan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo Aquino na huling nagkatambal sa telebisyon in 2005 sa pamamagitan din ng MMK sa episode ng Paru-Paro. Pero nagkatambal ang dalawa sa isang indie movie last year.
Samantala, first TV project ni Wowie de Guzman ang MMK episode this Saturday night matapos ang kanyang pagluluksa sa maagang pagkamatay ng kanyang misis na si Sherryl Anne ReÂyes kamakailan lamang. Wowie plays the role of Angelica’s husband at nakababatang kapatid naman niya si Carlo Aquino kung kanino na-in love si Angelica.
Wowie hopes to be busier sa mga darating na panahon dahil mag-isa niyang bubuhayin ang iniwang anak ng kanyang misis.
- Latest