^

PSN Showbiz

Pamilya ni Claudine sabug-sabog sa problema

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hay naku, by this time, parang tinatanggap na ng lahat ang mga ginagawa ng mga kapatid ni Claudine Barretto, from the fact na gusto lang nila siyang protektahan. Bakit naman hindi ito matanggap ni Claudine at kung anu-ano pa ang sinasabi niya? At kung totoo ang mga ito, bakit naman ayaw aminin ng mga ma­gulang nila? 

Mas madali sigurong maging malinaw ang isyu kung lahat nang gustong gumaling si Claudine sa anumang karamdaman niya ay magtulung-tulong na lang at huwag nang mag-away pa.

Isyu kina Coco at Nora naresolba na

Ngayong lumitaw na pakana lang pala ng isang Vilmanian ang isyu kina Coco Martin at Nora Aunor, nakahinga na pareho ang dalawa. Kung bakit naman kasi may gusto pa silang pagkagalitin gayung wala naman palang dahilan para sila mag-away. I’m sure maging ang Star For All Seasons ay magagalit sa ginawa ng isang fan niya.

Mark Herras, nagiging nega!

Mukhang mga kanegahan ang nagiging imahe ni Mark Herras sa tao ngayon. Nagsi­mula ito nang magalit siya sa isang baguhan dahilan lamang sa na­­kaligtaan siyang batiin nito nang magkasalubong sila

Feeling ng marami dapat ay malawak na ang pag-iisip niya ngayon, pero sa halip, parang na­ging mayabang pa ang dating niya. Dapat daw ay umupo at limiin ni Mark ang sitwasyon niya. Para umusad siya sa halip na umatras. Kuha mo ba, Mark?

BAKIT

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

DAPAT

ISYU

MARK HERRAS

NORA AUNOR

STAR FOR ALL SEASONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with