^

PSN Showbiz

Wildcard finalist na si John Raspado, kauna-unahang I am Pogay

KC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangalanang kauna-unahang grand winner ng I Am PoGay pa­geant ang wildcard finalist na si John Raspado ng Baguio City sa grand finals nito noong Sabado (Mayo 10) sa It’s Showtime.

Nagwagi si John ng P300,000 na cash prize, at nasungkit din ang special Brusko ‘Day Award bilang ang finalist na pinaka-lalaki ang kilos at dating. Pinahanga niya ang mga hurado sa kanyang sagot sa question-and-answer portion kung saan tinanong ang lahat ng finalists kung ano ang ibig sabihin para sa kanila ng puti at blangkong litrato.

“It means rebirth. Para sa akin, maiuugnay ko sa buhay natin ito bilang isang canvass na puti, tapos tayo ‘yung magkukulay nun,” ani John.

Si Tian Lacsamana naman ang itinanghal na first runner-up at nag-uwi ng P200,000, habang si Oreo Gajasan ang second runner-up na may P100,000.

Samantala, P50,000 ang napanalunan nina Sycris Brown at Ton Villareal, na runners-up bilang bahagi ng Top 5. Si Sycris din ang nagwagi ng Kumu-Couture o Best in Formal Wear Award at si Ton naman ang nakakuha ng Beksfriend o Friendship Award.

Hindi man nakapasok sa Top 10, nagwagi ng Pamintalent o Best in Talent Award si Bench Tionao, base sa talent showdown sa week-long grand finals bago ang finale noong Sabado.

Nagsilbing hurado sa I Am PoGay grand finals ang host na si Jhong Hilario, Lani Misalucha, Richard Gomez, Dra. Vicki Belo, at Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa.

Inilunsad ang I Am PoGay noong Enero upang bigyang pagkaka­taon ang mga bakla na magpasika­tan matapos ang matagumpay na That’s My Tomboy pageant ng Kapamilya noontime show.

 

BAGUIO CITY

BENCH TIONAO

DAY AWARD

FORMAL WEAR AWARD

FRIENDSHIP AWARD

I AM

JHONG HILARIO

JOHN RASPADO

LANI MISALUCHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with