Maternal mortality at banta ng El Niño inimbestigahan
MANILA, Philippines - Sa post Mother’s Day presentation ng Brigada, samahan ang mga mamamahayag na sina Lala Roque at Tricia Zafra at tunghayan ang kanilang mga ulat tungkol sa maternal mortality at banta ng El Niño ngayong Martes sa GMA News TV.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, walang naganap na pag-unlad sa mga kaso ng maternal mortality sa Pilipinas, ayon mismo sa pag-aaral ng United Nations at World Health Organization kaugnay ng Millennium Development Goals. Ito marahil ang dahilan kung bakit tila normal sa bansa ang mga balita tungkol sa mga inang namamatay matapos magkaroon ng komplikasyon sa panganganak. Inalam ni Lala Roque ang kuwento sa likod ng mga datos na ito ukol sa maternal mortality sa bansa.
Samantala, hindi pa man opisÂyal na idinedeklara ng PhilipÂpine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services AdÂministration o PAGASA ang pagpasok ng El Niño, ngayon pa lang ay nararamdaman na ang maaaring maging epekto nito. Ang tanong ngayon ay gaano katinding tag-tuyot ang mararanasan ng mga Pinoy sakaling magkaroon nga ng El Niño? Handa na ba ang lahat sa bantang ito?
Sinuri ni Tricia Zafra ang kalagayan ng ilang mga sakahan at komunidad na ngayon pa lang, umaaray na sa labis na init ng panahon.
- Latest