^

PSN Showbiz

Pagiging carnival queen ng nanay ni Erap naungkat!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naging Carnival Queen pala ng Maynila si Doña Mary Ejercito, ang butihing ina ni former President at Manila City Mayor Joseph Estrada.

Naungkat ang pagiging beauty queen ng pumanaw na madir ni Papa Erap nang ilunsad kahapon sa Manila Hotel ang Miss Manila 2014.

‘Yun nga lang, walang na-share na kuwento si Papa Erap tungkol sa reign ni Mama Mary bilang Carnival Queen dahil hindi pa siya ipinanganganak noon.

Nakita na lang ni Papa Erap ang black and white picture ni Mama Mary kaya alam niya na magkamukha sila.

Magandang-maganda si Mama Mary noong kabataan nito at namana ni Papa Erap ang movie star look niya.

Project ng MARE Foundation Inc. at ng City of Manila ang revival ng Miss Manila.

Ang MARE ang foundation na pinamumunuan ni former First Lady at Senator Loi Ejercito.

Ipambibili ng dialysis machine ang proceeds ng Miss Manila 2014 para matulungan ang mga residente ng Maynila na may kidney problems.

Ganyan kamahal nina Papa Erap at Mama Loi ang kanilang constituents. Alam ng mag-asawa na marami sa mga Manileño ang may sakit sa kidney at nangangailangan ng tulong. Doktor din si Mama Loi kaya priority niya ang makatulong sa mga may karamdaman.

Sa May 20 ang deadline ng pagtanggap ng application sa Miss Manila 2014 at sa June 24 naman ang coronation night sa Rizal Memorial Coliseum.

 Asahan natin na star-studded at successful ang coronation night dahil ang Viva Communications ng Viva Group of Companies ang in charge.

Present sa contract signing at grand launch kahapon ng Miss Manila 2014 si Boss Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Group of Companies at kaibigan ni Papa Erap.

Marami ang mga naggagandahan na babae sa Maynila, Sure na sure ako na marami ang maeengganyo na sumali sa Search for Miss Manila 2014.

Pasabog ni Claudine naging mabenta

Pinag-uusapan ang mga pasabog ni Claudine Barretto sa Startalk noong Linggo.

Nagbabakasyon si Gretchen Barretto sa ibang bansa kaya no reaction pa siya sa mga bagong rebelasyon ng kanyang younger sister.

Timing na timing sa Mother’s Day ang pagsasalita ni Claudine at ng kanyang madir na si Inday Barretto.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na kampi si Mommy Inday kay Claudine na touched na touched sa malaking suporta at pagmamahal sa kanya ng kanyang nanay.

Base sa mga sinabi ng mag-ina laban kina Gretchen at Marjorie, matatagalan o baka hindi na sila magkasundo dahil nagsanga-sanga na ang mga isyu.

Kris hindi nagpapatalbog

Hindi nagpatalbog si Kris Aquino sa away ng mga Barretto dahil may sariling isyu siya na inilabas niya sa social media noong Linggo nang gabi.

Nakikipag-agawan ng space sa mga entertainment column ang mensahe ni Kris kay Herbert Bautista. Hindi tuloy nasolo ni Claudine ang atensyon ng publiko na nakisawsaw din sa Kris-Herbert issue.

CLAUDINE

MAMA LOI

MAMA MARY

MANILA

MAYNILA

MISS MANILA

PAPA ERAP

VIVA GROUP OF COMPANIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with