Alwyn makakaharap si WBPF titlist, Michael ‘Hammer Fist’ Farenas!
MANILA, Philippines - Tuloy-tuloy pa rin ang maaksyong pakikibeki ni Alwyn Uytingco sa primetime dramedy series ng TV5 na Beki Boxer. Ngayong linggo, ang daÂting WBPF Super Featherweight title-holder na si Michael “Hammer Fist†Farenas naman ang makakalaban niya sa ring.
Matapos ma-knockout si Marvin “The Hammer Head†Ortega (ginampanan ni WBC Silver World Champion Denver Cuello) gamit ang kanyang mga tsunami punches, next level na si Rocky Ponciano (Alwyn Uytingco) at makakaharap niya nga si Farenas.
Tubong Sorsogon, Bicol Region, kilala ang 29 year old na boksingero sa kanyang agresibong style sa pakikipagboksing na nagbigay sa kanya ng record na 38 wins with 30 knock-outs. Gaganap si Farenas bilang Leonardo “Matador†GonzaÂles, isang matador-turned-boxer na kilalang nakapatay ng baka gamit lang ang kanyang kamao.
Malalampasan kaya ni Rocky ang match na ito gamit ang kanyang Tsunami punch? O si Leonardo na kaya ang kakatay sa kanya?
Tutukan yan ngayong linggo sa Beki Boxer, Lunes hanggang Biyernes, 7:00 PM bago ang Confessions Of A Torpe sa TV5!
- Latest