^

PSN Showbiz

Mikael malapit nang ma-solo si Megan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bago magtapos ang taong 2014 ay isang bagong Miss World ang hihira­ngin, at ito rin ang panahon na ipapasa ng kauna-unahang Filipina Miss World na si Megan Young ang kanyang korona sa bagong reyna. Although may ilang buwan pa bago matapos ang reign ni Megan, hinding-hindi niya makalilimutan ang kanyang naging karanasan. At kapag natapos na ang kanyang term bilang Miss World, tiyak na babalikan ni Megan ang kanyang pansa­mantalang naputol na showbiz career. Ti­yak na magkakaroon na siya ng panahon sa kanyang rumored boyfriend na si Mikael Daez.

Sa pagbabalik-showbiz ni Megan, siguradong pawang lead and important roles na ang ipagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Network kung saan siya may existing contract.

Ano kaya’t bigyan siya ng movie project na si Mikael Daez ang leading man?

Aljur hindi kinaya ang long distance relationship kaya iniwan si Kylie?

Naka-silent mode ang action superstar na si Ro­bin Padilla pagdating sa recent break-up ng kanyang dalagang si Kylie Padilla sa nobyo nitong si Al­jur Abrenica. 

Very supportive at protective si Robin sa kanyang mga anak lalo na kay Kylie na siyang aktibo sa showbiz. Kylie is on a prolonged vacation sa Australia kung saan naka-base ang kanyang inang si Liezl Sicangco, at mga kapatid na sina Queenie at Ali. Since wala pa namang definite new project na sisi­mulan si Kylie sa GMA kung saan siya may existing contract, minabuti niyang mag-extend ng kanyang bakasyon. Ang nakalulungkot lamang sa part ni Kylie, nag-break sila ng nobyo niyang si Aljur habang siya’y nasa Australia at ang itinuturong dahilan ay ang kapareha ng young actor sa Kambal Sirena na si Louise de los Reyes.

Indie movies nahihirapang kumita

Very slim ang chance ng mga independent movie producers na kumita ang kanilang mga produced movies kapag wala silang ka-tie-up na TV network, lalo na ang ABS-CBN na napakagaling mag-promote. Hindi tulad noon na kahit walang suporta ang mga TV networks ay kumikita talaga ang mga pelikula. Kahit ang mga major movie producers tulad ng Regal Films at Viva Films ay kailangang makipag-tie up either sa Star Cinema (ng ABS-CBN) o ng GMA Films (ng GMA) just to make sure that their movies get proper exposure in terms of movie trailers.

Juday alagang alaga ni Ryan

Marriage becomes Judy Ann Santos dahil kung kelan ito nag-asawa at nagka-anak ay saka ito nag-bloom nang husto.

Sa totoo lang, Salve A., marami ang gandang-ganda ngayon kay Juday dahil bukod sa mas lalo siyang gumanda ay mas sumeksi pa kumpara nu’ng dalaga pa siya. 

Maybe credit goes to her husband, ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo dahil magaling itong mag-alaga sa kanyang misis. After five years of marriage, masayang-masaya ang pagsasama ng mag-asawang Ryan at Juday kasama ang kanilang dalawang anak na sina Yohan at Lucho at kabaliktaran sa isyung pinipilit nang iilan na may problema ang mag-asawa.

ALJUR

FILIPINA MISS WORLD

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KANYANG

MEGAN

MIKAEL DAEZ

MISS WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with