^

PSN Showbiz

Joey at Heart natulala sa pinagsasabi Claudine tikom ang bibig kay Mark Anthony, pinagsisisihang nakita si Gretchen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natulala sina Papa Joey de Leon at Heart Evangelista sa mga rebelasyon kahapon ni Claudine Barretto sa Startalk.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi ni Claudine na fake o hindi valid ang Tagaytay wedding nila ni Raymart Santiago noong 2006?

Na puwedeng pumunta si Raymart sa dance recital ng kanilang anak na si Sabina sa May 29 sa Smart Araneta Coliseum pero hindi siya p­uwedeng magpakita sa bagets.

Na gustung-gusto ni Gretchen Barretto na ma-confine siya sa basement ng ospital at pinagsisisihan ni Claudine ang kanilang pagkikita noon sa isang supermarket.

Maraming pasabog si Claudine sa exclusive interview sa kanya ni Papa Ricky Lo na napanood kahapon sa Startalk.

Pero tikom ang bibig niya nang tanungin siya tungkol kay Mark Anthony, ang mhin na nali-link sa kanya. Isang bagay ang tiniyak ni Claudine, married pa rin siya at  hindi niya tutularan ang iba. Maliwanag na may pinariringgan si Claudine pero hindi siya nagbanggit ng pangalan.

Matagal na hindi nagpakita sa publiko si Claudine kaya tinutukan kahapon ng televiewers ang pagsasalita niya sa Startalk.

Na-bother naman ang fans ni Claudine sa kuwento nito na may nagbabanta sa buhay niya. Pangatlong beses na raw na may nagtangka sa kanyang buhay. Again, hindi nagbanggit ng name si Claudine pero ipinarating niya sa kinauukulan ang kanyang mensahe na “hindi siya natatakot.”

May kakampi si Claudine sa mga pagsubok na nararanasan niya, ang kanyang nanay na si Mrs. Inday Barretto.

Nagpapasalamat si Claudine kay Mommy Inday dahil sa unconditional love nito sa kanya.

 â€œYou’re lost” ang message ni Mommy Inday sa kanyang another daughter na si Marjorie.

Nangako si Mommy Inday na hinding-hindi nito pababayaan si Claudine na obvious na favorite daughter niya.

Heart maiyak-iyak sa problema nina Claudine, nakaka-relate

Muntik nang mapaiyak si Heart nang tanungin siya tungkol sa feud ng B­arretto family. Mabuti na lang, naawat namin si Heart na mag-exit frame.

Siyempre, naka-relate si Heart sa nangyayari dahil hindi pa rin sila magkasundo ng kanyang nanay na si Cecil Ongpauco.

Ang sabi ni Heart, masyadong complicated ang sitwasyon nila ng nanay niya pero  bumati siya ng  “Happy Mother’s Day” sa kanyang estranged mommy.

Hoping si Heart na maaayos ang problema sa pagitan ng Barretto sisters at ng kanilang ina. Naloka si Heart dahil si Claudine ang topic namin sa Startalk pero ang ending, siya ang  aming ininterbyu tungkol sa hidwaan nila ng nanay niya.

‘Hayaan na natin si Rosanna sa kanyang ilusyon’

Hindi na ako nagtaray nang hingan ako ng reaksyon tungkol sa mga pralala ni Rosanna Roces sa interview sa kanya na umere kahapon sa Startalk.

Hayaan na natin si Rosanna sa kanyang mga ilusyon, alang-alang sa M­other’s Day. Bahala ang publiko na magsabi kung sa palagay ba nila eh makakabangon pa si Rosanna mula sa kanyang nalugmok na career na siya rin ang dapat sisihin at may kasalanan.

‘Salamat sa effort ng Startalk’

Maraming salamat sa Startalk staff dahil sa Mother’s Day tribute nila sa akin kahapon. Nag-effort pa sila na makunan ng Mother’s Day greeting ang aking anak at apo na U.S.-based.

Naaliw ako sa panggagaya sa akin ni Betong Sumaya bilang Maners Lolz. Sa totoo lang, gayang-gaya ni Betong ang ilan sa mga mannerism ko. Talagang ginagawa niya ang lahat para ma-impersonate ako. Thank you Startalk staff. Thank you Amazing Betong.  (Happy Mother’s Day ‘Nay Lolit. Lav yah. – SVA)

 

CLAUDINE

HAPPY MOTHER

KANYANG

MOMMY INDAY

NIYA

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with