^

PSN Showbiz

Marian pinauwi, direk Dom nasapak habang nagti-taping sa bar

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May special number si Sarah Lahbati sa Sunday All Stars kung saan i-celebrate din ang Mother’s Day. Malapit na kasing magkaroon ng drama series si Sarah sa GMA7 at mapanghamon daw ang role na kanyang gagampanan.

Kasabay rin sa selebrasyong ito ang mga Kapuso moms na sina Jennylyn Mercado, Jaya, Jolina Magdangal, Kyla at mga special guests na sina Jessa Zaragoza, Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz.

PAK: Isa rin pala si Judy Ann Santos sa nalungkot sa maagang pagpanaw ng asawa ni Wowie de Guzman.

Marami kasi ang nagtanong kung pumunta ba si Judy Ann sa burol.

Nasa Japan sila nung nangyari iyun sa asawa ni Wowie, pero nagparating din siya ng pakikiramay sa dating ka-love team.

Mas close sina Gladys Reyes at Wowie, kaya nagkaroon sila ng komunikasyon.           

BOOM: Hindi natapos ang taping ng Carmela kamakalawa ng gabi dahil sa panggugulo ng tatlong lasing na sumugod sa set na nilipatan nila sa isang bar sa Malolos, Bulacan.

Pinagtulungan pa raw ng tatlong lasing na ito na saktan ang lighting director ng Carmela kaya nagkaroon ng gulo.

Pati si direk Dom Zapata ay nasapak ng isa sa mga nanggulo, kaya nag-decide na ang executive producer ng naturang drama series ng GMA Telebabad na i-pack-up ang taping.

Pinauwi na sina Marian Rivera at ibang mga artista, pero hindi sila umalis hangga’t hindi nagpa-blotter ang buong staff sa police headquarters ng Malolos. Natigil na rin sa panggugulo ang mga taong iyun nang dumating na ang GMA News at nagresponde ang mga tao ni Vice Governor Daniel Fernando.

Duda ng ilang staff doon, may kaya at may sinasabi ang pamilya nang mga taong nanggulo sa kanilang taping.

 

CARMELA

DOM ZAPATA

GLADYS REYES

JENNYLYN MERCADO

JESSA ZARAGOZA

JOLINA MAGDANGAL

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with