Motivational speaker na kapatid ng Hollywood actors darating sa birthday ni Hayden
Confirmed na darating sa bansa si Stephen Baldwin, ang Hollywood actor na kapatid nina Alec at William Baldwin.
Dadalaw sa Pilipinas si Stephen dahil special guest siya sa 34th birthday celebration ni Hayden Kho, Jr. sa May 20.
May relevance ang pagbisita ni Stephen dahil kilala siya bilang motivational speaker. Ang ibig sabihin, magbibigay si Stephen ng inspirational talk sa birthday ni Hayden.
Deniece masusubukan ang galing sa pagmo-motivate sa kulungan
Kung motivational speaker si Stephen Baldwin, motivational speaker din pala ang drama ni Deniece Cornejo. Kung bakit at paano, hindi ko alam ang tumpak na kasagutan.
Nakakulong si Deniece sa Camp Crame at sa pagkakaalam ko, more than ten sila sa selda.
Baka sakaling magamit ni Deniece sa kanyang mga kakosa ang pagiging motivational speaker niya.
Ewan ko lang kung convincing at effective na motivational speaker si Deniece dahil nang maglitanya siya sa Startalk sa kanyang first and last live TV guesting noong last Sunday ng January, hindi niya nakumbinsi ang televiewers na inosente siya sa kasalanan na ibinibintang ni Vhong Navarro.
Rufa Mae paiba-iba ang sinasabi sa ipinagawang boobs
Nalilito ang Facebook friends ni Rufa Mae Quinto sa mga litrato na inilagay niya.
Medyo malabo raw ang caption ni Rufa Mae sa mga litrato ng operasyon niya sa dibdib. Ang sabi ni Rufa Mae, may cyst na inalis sa kanyang dibdib pero may tsismis na nagpatanggal siya ng silicon implants.
Kung anuman ang katotohanan, si Rufa Mae lang ang puwedeng magbigay-linaw dahil ang dibdib naman niya ang sangkot, hindi ang dibdib ng ibang tao.
Annabelle feel na feel ang pagiging international star
Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay dahil ngayon ang araw ng mga ina. Maraming salamat din sa mga nag-greet sa akin ng Happy Mother’s Day at nagpadala ng flowers.
Tungkol sa mga nanay na celebrity ang episode ng Startalk ngayong hapon. Bibigyan ng Startalk ng tribute ang mga celebrity mother na katangi-tangi at may mga kakaibang kuwento.
Ngayong gabi rin pala ang airing ng More Than Words, ang Mother’s Day special ng TV5.
Starring si Sarah Lahbati sa More Than Words. As usual, tinanong uli si Sarah tungkol sa isyu na nanay na siya pero walang sagot na nakuha ang mga reporter na ayaw paawat sa pag-uusisa.
Mapapanood din si Sarah sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula na sa E! sa June 1.
Tiyak na magkakaroon uli ng presscon ang Gutierrez family bago mag-umpisa ang airing ng kanilang pinakahihintay na reality show.
Excited na excited na si Annabelle Rama na mapanood ang It Takes Gutz to be a Gutierrez. Gusto nang marinig ni Bisaya ang mga feedback tungkol sa kanilang reality show. Hindi na maabot si Annabelle dahil certified international star na siya at ang kanyang pamilya dahil mapapanood sa buong Asia ang reality show nila.
- Latest