^

PSN Showbiz

Nanay na naghahanap ng anak, tutulungan sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para sa isang ina, wala nang mas hahalaga pa sa kanyang anak. Ngunit paano kung ito ang mawala sa kanya?

Single mother si Becca, isang babaeng pina­ngakuan ng habang-bu­­hay ngunit ipinagpalit lang rin sa iba. Para matustusan ang mga pa­nga­nga­ilangan ng kanyang anak, namasukan siya bilang katulong sa May­nila. Nalayo man siya sa anak, pinaniniwala naman niya ang sarili na naibibigay naman niya ang mga pangangailangan nito.

Hanggang sa isang araw ay ibalita sa kanya ng kanyang ina na nawawala si Jason.

Habang kumakalat ang balita ng mga batang natatagpuang nina­ka­wan ng mga lamang-loob... Habang laganap pa ang paniniwalang kini­kidnap ang mga bata para ipasok sa mga sindikato... Hindi alam ni Becca ang gagawin niya para mahanap ang kanyang anak.

Kung maniniwala ba siyang buhay pa ito, o dapat na ba niyang tanggapin na kailanman ay hindi na niya ito muling mayayakap.

Mula sa direksyon ni Argel Joseph, sa panulat ni Agnes Uligan at sa pananaliksik ni Cynthia delos Santos, alamin ang mga pangyayari sa buhay ni Becca  sa isang espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman para sa Mother’s Day—ang Puso ng Isang Ina starring Sheena Halili kasama sina Allan Paule, TJ Trinidad, at Ms. Lani Mercado.

Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sa­bado ng gabi (May 10), pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA7.

AGNES ULIGAN

ALLAN PAULE

ARGEL JOSEPH

BECCA

HABANG

ISANG INA

MAGPAKAILANMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with