^

PSN Showbiz

GRR may handog sa mga ina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang ikalawang Linggo ng Mayo taon-tao’y nakalaan sa Mother’s Day. Isang natatanging pagkakataon para tayo’y magpugay, magpa­sa­lamat at maghandog ng pagmamahal sa ating mga Mama, Mommy, Mom, Inay, Inang, o Na­nay.

Tunghayan ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas diyes ng umaga sa programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Tampok ang isang inang iginapang ang 8 anak para ma­katapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pa­ma­ma­sukan bilang parlorista. Nga­yo’y may sarili nang salon si Mommy Lits.

Mula sa isang letter-sender ng show ay ang kahilingang gawan ni Mader Ricky ng isang Make Over ang kanyang ina. Nang matapos ang madyik ng beauty guru ay talagang napangiti ang ginang.  “Tingin ko sa salami’y kamukha ko ang aking paboritong si Gloria Romero na modelo ng GRR salon sa Ganda Ng Lolah Mo campaign,” sabi ng ginang.

Malabis na ipinagdamdam at ipinagluksa ni Mader ang pagpanaw ng kanyang butihing inang si Mama Ada (Dona Amada E. Zaparte) nung Nobyembre, 2013.  Babalikan ni Mader, ng kanyang mga kapatid at kamag-anak ang masasayang alaala nung kapiling pa nila si Mama Ada.

“Si Mama ang idol ko.  Ako naman daw ang idol niya.  Kung magtawagan nga kami’y “Sister.”  She is my inspiration, the wind beneath my wings … kaya nang mawala siya’y nawindang ako,” sabi ni Mader.

DONA AMADA E

GANDA NG LOLAH MO

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

GLORIA ROMERO

MADER

MADER RICKY

MAKE OVER

MAMA ADA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with