^

PSN Showbiz

Alessandra muntik nang isumpa ang showbiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masaya si Alessandra de Rossi na isinama siyang host ng morning show ng GMA 7 na Basta Every Day Happy dahil bukod sa matagal na niyang gustong maging host, iba ang mapapanood sa kanya. Hindi na ang pagiging kontrabida niya ang ta­tatak sa isip ng viewers. Sa Monday, bago ang The Ryzza Mae Show ito mapapanood.

Itinuturing niyang gift na ibinigay sa kanya ang BEH, kaya pagbubutihin niya ang kanyang trabaho. Kailangan din daw niyang mag-level up sa mga ka­samang sina Gladys Reyes at Donita Rose na mga beterena na sa pagho-host at kay Chef Boy Logro na host ng cooking show.

Naniniwala si Alex na ang pagsama sa kanya sa BEH ang sagot ng GMA 7 sa hiningi niya na bigyan siya ng ibang show, hindi puro contravida roles dahil nagsawa na siya. Feeling din niya, nagsasawa na rin ang viewers na mapanood siyang laging galit, nana­nampal o ‘di kaya’y nang-aagaw ng BF at asawa.

Ginusto pala ni Alex na tumigil na sa showbiz kung walang magiging pagbabago sa kanyang career, pero tila nagbago muna ang isip at magpapatuloy muna sa nakasanayang trabaho. Kung itinuloy ang balak, nawalan sana ang showbiz ng isang magaling na aktres.

Anyway, kasama rin si Alex sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real  bilang best friend ni Maricel Soriano. Nagbiro itong from kontrabida, best friend na ang role niya at isa na ring host.

David Semerad tatlu-tatlo ang bahay sa Alabang

Bida sa AVP ng Bargn Farmaceutici Phils. Co. o BFPC at maker ng Cosmo Cee. ang mga bossing na sina Niño Bautista at John Red Gatus. Ang taray ng sinabi ni Niño na “we manufactured confidence” at ibinalita naman ni Red na ini-export na ang products ng BFPC.

Sinamahan ng dalawa si Jun Lalin sa pagpapakilala kina David at Anthony Semerad bilang endorsers ng Cosmo Cee, ang non-acidic Vitamin C sup­plement na ang kaibahan sa ibang Vitamin C ay may bioflavonoids at sodium ascorbate.

Game na game ang kambal sa presscon nila at lahat ng tanong ay sinagot pati tungkol sa love life. Si David lang ang may GF at minsang na-link kay Ruffa Gutierrez, pero close lang daw sila at kapatid ang tu­ring niya rito.

Nagulat pala ang press nang banggitin ni David na may tatlong bahay siya at may binanggit na bahay sa Alabang. Tapos nabasa naming sa Alabang nakatira ang GF nitong si Gwendolyn Ruais, ito rin kaya ang bahay na tinukoy ni David?

Martin gustong makatrabaho si Tom

Kahapon lang pala nakapirma ng kontrata sa GMA Network si Martin del Rosario, pero bago pumirma, dumalaw muna ito sa network kasama ang young actor na si Kiko Estrada, kasama niyang talent sa manager na si Arnold Vegafria.

May tsika rin na si Kiko ang nagyaya kay Martin na lumipat sa GMA 7, bagay na itinanggi nito nang makausap namin sa first taping day niya sa Rhodora X. Career move raw ang paglipat niya.

Tita ni Martin si Connie Sison, isa sa mga reporter/host ng GMA 7, kaya may makakausap at mapupuntahan siya halimbawang malungkot siya habang nag-a-adjust pa bilang Kapuso talent.

Kung hindi nabago ang sinabi ni Arnold, three-year exclusive contract ang pipirmahan ni Martin. Isa sa gus­to niyang makaparehang Kapuso actress ay si Lovi Poe dahil magaling umarte at maganda. Gusto rin nitong makatrabaho si Tom Rodriguez na nakatrabaho niya noong nasa ABS-CBN pa sila pareho.

Sa ngayon, sa Rhodora X muna siya mapapanood.                                                                        

Boots Anson Roa todo trabaho pa kahit ikakasal na

Nakita namin si Boots Anson-Roa sa taping ng Rhodora X at kahit malapit nang ikasal kay Atty. King Rodrigo, tuloy pa rin sa pagtatrabaho nito. Nakakabilib ang aktres dahil walang reklamo kahit sobrang mainit that day sa taping.

Balita nito, after nito, lilipat siya sa TV5 dahil kasama siya sa cast ng My Pirated Family na bida sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

ALABANG

ALEX

ANTHONY SEMERAD

COSMO CEE

NIYA

RHODORA X

SIYA

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with