^

PSN Showbiz

Ara delikado ang pagbubuntis, hindi na nag-celebrate ng birthday; Jerika nanganak na, Mayor Erap galit pa rin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mother’s Day episode sa Picture Picture ni Ryan Agoncillo bukas ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Maglalaban sa kalahating milyon pisong jackpot ang mga celebrity moms na sina Camille Prats, K Brosas, Jana Dominguez at Donita Rose na isa sa hosts ng Everyday Happy.           

PAK: Excited si Ara Mina nang makausap namin kamakalawa ng hapon dahil nabuntis uli ito.

Pero nakiusap siyang huwag muna siyang interbyuhin dahil masyadong maaga pa raw para mapag-usapan.

Kapag okay na okay na raw ang kalagayan niya, doon na raw siya magsalita para i-announce ito sa lahat.

Sa ngayon ay pinapagpahinga na muna siya sa bahay para maayos din ang kalagayan ng kanyang ipinagbubuntis.

Dapat ay maghahanda si Ara para sa kaarawan niya ngayong araw, pero hindi na niya itinuloy para hindi siya ma-stress.           

Sa bahay na lang daw siya kasama ng mga mahal sa buhay kasama ang ama nang ipinagbubuntis niyang si Mayor Patrick Meneses.

BOOM: Isang malusog na baby boy ang iniluwal ni Jerika Ejercito kamakalawa ng gabi.

Nung hapon pa lang ay nag-tweet na ang kapatid ni Jerika na si Jake Ejercito na ipapasok na sa hospital ang ate niya dahil nagli-labor na ito.

Kinagabihan ay ang ama ng baby na si Bernard Palanca ang nag-post sa Instagram account niya ng: “My son I­SAIAH JOSEPH EJERCITO PALANCA has arrived! :)) thank you LORD for the safe and healthy arrival of my boy! :))           

Kumalat pa noon na hiwalay na raw sina Bernard at Jerika, pero magkasama naman sila sa hospital nang nanganak ang huli. Kaya malamang na okay nga sila at hindi totoo ang napabalitang hiwalay na sila.

Ang ama ni Jerika na si Mayor Joseph “Erap” Estrada ay tikom pa rin ang bibig sa kalagayan ng kanyang anak.

 

vuukle comment

ARA MINA

BERNARD PALANCA

CAMILLE PRATS

DONITA ROSE

EVERYDAY HAPPY

JAKE EJERCITO

JANA DOMINGUEZ

JERIKA

JERIKA EJERCITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with