^

PSN Showbiz

‘Wala akong retoke’ - Marian

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Wala pong kahit anong retoke ‘yan,” mahinhing sagot ni Marian Rivera na natatawa sa bintang na retoke raw ang mga Belo billboards niya na nagkalat sa EDSA.

Maging si Dra. Vicki Belo ay mabilis ang sagot na walang ginalaw sa katawan ng kanilang frontliner sa summer campaign ng Belo Me­dical Group.

Wala na raw siyang keber kung may nag-aakusang inayos ang perfect na kurba ng katawan niya. “Pinaghirapan ko po ‘yan,” simpleng sagot ni Marian.

Eh ano namang bahagi ng katawan niya ang paborito ng boyfriend niyang si Dingdong (Dantes)? “Back.”

Palagay mo bakit likod?

“Kasi bihira lang daw ang babaeng malalim ang kurba tapos malaki ang butt,” sagot naman niya.

Eh ano naman ang paboritong part niya ng kanyang katawan?

“Mukha po,” na hindi naman nakakataka dahil para siyang pinagpala sa kagandahan.

Paboritong body procedures naman ni Marian sa Belo Clinics ang Laser Hair Removal at Venus Freeze.

Nagpapatanggal siya ng balahibo sa kili-kili, legs, at bikini area, na kailangang-kailangan ngayong summer.

Wala ka raw talagang sakit na mararamdaman sa laser machine.

At kahit kain pang-construction worker ang actress, never tumaba si Marian. Pero may mga bagay pa rin siyang dapat ayusin kaya nagpapa-Venus Freeze siya.  Ito ay para sa cellulites, pang-tight ng skin and contours the body. Wala ka rin daw mararamdamang sakit dito sabi naman ni Ms. Cristalle Belo sa presscon na ginanap kahapon.

Laarni Enriquez minamanok daw ni Erap na kalaban ni Isko sa 2016

Nadagdagan na naman ang sasalihan ng mga babaeng habit na ang sumali sa beauty contest na taga-Maynila.

Magkakaroon na rin ang Miss Manila 2014 pageant na isasabay sa celebration ng Araw ng Maynila base sa decree ni Manila Mayor Joseph Estrada na magsagawa ng beauty and brains search.

Kaya naman nag-iimbita na pamunuan ng Maynila sa mga magaganda at matatalino na sumali. Magkakaroon ng launching ang Miss Manila 2014 nga­yong araw.

Heto ang requirements:

Naturally born female

Filipino Citizen (NSO copy of birth certificate)

Born in City of Manila

18-25 years old

At least 5’4” tall

Single, never been married nor pregnant

At least college level

Resident of Manila (Barangay Certificate)

Either parent, born in Manila (NSO Birth Certificate of Parents)

Either parent, residing in Manila (Barangay certificate)

Student of Manila for at least two years (Transcript/Diploma)

Pleasing personality

With good moral character

Proficient in Tagalog and English

Have knowledge of the history and culture of Manila

Maaring makakuha ng application sa Tourism Office (MTCAB) of Manila City Hall or sa Liga ng mga Barangay, 4th floor.

Sa May 20 na ang deadline ng application. Kinakailangang mai-submit ang requirement sa Miss Manila 2014 Secretariat at the Tourism Office, Manila City Hall, c/o Miss Liz Villasenor (0908-8185376).

Gaganapin ang screening sa May 24, 2014, 9:00 a.m. to 9:00 p.m. at Palacio de Maynila. 1809-1813 M.H. Del Pilar Street, Malate, Manila

Interested parties may contact Ms. Jewel May Lobaton at 0915-6548604 for more details.

Hmmm, parang walang kinalaman si Vice Mayor Isko Moreno sa project na ito sa Araw ng Maynila samantalang dati naman, dikit na dikit siya kay Mayor Erap.

Anyare ba?

True rin kaya na si Ms. Laarni Enriquez na ang gino-groom na susunod na mayor ng Maynila bilang isang totoong taga-Tondo ang ina ng dalawang anak ni Mayor Erap?

Just asking?

Baka may sagot si Vice Mayor Isko tungkol dito.

By the way, nadagdagan na naman ang apo ni Mayor Erap sa panganganak ng anak niyang si Jerika sa boyfriend nitong si Bernard Palanca.

Matapos kasuhan, Zoren Legaspi nagpasalamat pa sa BIR!

Mabilis na nag-react si Zoren Legaspi sa P4.45 million tax evasion case na isinampa sa kanya ng BIR kahapon. Ayon sa statement ni Zoren, willing siyang ayusin kung anumang problema niya sa tax.

Heto ang kanyang official statement:

Suma-sang-ayon po ako na ang TAMANG BUWIS ay DAPAT BAYARAN PARA SA IKA-U-UNLAD NG ATING BAYAN! I’m more than willing to comply and cooperate regarding the on-going investigation of my tax liabilities. Aalamin po namin kung saan kami nagkamali or kung nagkulang ba kami sa paliwanag. I’m glad that the BIR brought their initial findings to the DOJ---that means they are doing their job. I love my country kaya I will never evade any tax obligation. I just need to figure out kung saan kami nagkamali (without malice or intention) and I’m waiting lang po sa official complaint ng BIR. Salamat po sa mga concern. :) --- Statement ni Zoren

                                                               

 

 

MANILA

MANILA CITY HALL

MAYNILA

MAYOR ERAP

MISS MANILA

NAMAN

TOURISM OFFICE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with