P4.45M tax evasion vs Zoren Legaspi
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Huwebes ang aktor na si Zoren Legaspi ng tax evasion dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Sinabi ni BIR chief Kim Henares na hindi inilagay ni Legaspi ang totoong niyang kinita sa kanyang income tax return noong 2010 at 2012.
Dahil dito umabot na sa P4.45 milyon ang kanyang utang sa kawanihan.
"A comparison of the documents showed he declared as gross income of P6.79 million in 2010 when it should be P9.64 million. And in 2012 P1.82 million when it should be P6.49 million," wika ni Henares.
"He substantially underdeclared his income tax by 42 percent in 2010 and 25 percent in 2012," dagdag niya.
Ilan sa mga kilalang taong hinabol ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ay si WBO welterweight champion Manny Pacquiao, negosyanteng si Cedric Lee at Philippine Medical Association president Leo Olarte.
- Latest