Deniece kasiraan sa brand na sinuot nang sumuko
SCENE: Ang statement ng direktor na si Chito Roño na kasiraan sa isang popular clothing company si Deniece Cornejo dahil sa brand ng ball cap na suot nito nang sumuko siya kay PNP Director General Alan Purisima noong Lunes.
SEEN: Semi-regular na lang sina Jay-R at Steven Silva sa Sunday All Stars ng GMA 7.
SCENE: Hinahamon nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. si DOJ Secretary Leila de Lima na ilabas ang listahan ni Janet Napoles upang malaman ng taumbayan ang ibang mga sangkot sa pork barrel scandal.
SEEN: Handang-handa na ang paintings ni Heart Evangelista na itatampok sa kanyang first art exhibit na magaganap bukas, May 8, 6 p.m. sa Artist Space ng Ayala Museum, Greenbelt.
Si Mr. Fernando Zobel de Ayala ang magka-cut ng ribbon sa opening ng exhibit.
SCENE: Pagod na pagod ang itsura ni JC De Vera sa kanyang mga eksena sa So It’s You dahil naglalagare siya sa taping ng dalawang teleserye habang ginagawa niya ang pelikula ng Regal Entertainment Inc.
SEEN: Si Jamie Rivera ang kumanta ng If I Could, ang theme song ng More Than Words, ang Mother’s Day Special Presentation ng TV5 at television comeback ni Sarah Lahbati. Co-stars ni Sarah sa More Than Words sina Alice Dixson, Jackie Lou Blanco, Carl Guevara, at Ariel Rivera.
SCENE: Replay ang interview kay Florencia Cornejo na ipinalabas kahapon ng Showbiz Police ng TV5.
Walang naniwala sa claim ng lola ni Deniece na kaibigan lamang ng kanyang apo si Cedric Lee.
- Latest