Pelikula nina Tom at Carla graded A ng CEB!
Congrats kay Mother Lily Monteverde dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board ang So It’s You, ang romantic comedy movie starring Carla Abellana at Tom Rodriguez na showing ngayon sa mga sinehan.
Nag-enjoy nang husto si Mother nang mapanood niya ang So It’s You sa premiere night nito noong Lunes dahil nakaaaliw ang pelikula. Ang feeling ni Mother, bumalik ang era ng love team nina Nida Blanca at Nestor de Villa, ang mga artista na hinahangaan niya noong bagets pa siya.
Proud na proud si Mother Lily sa So It’s You. Highly recommended niya sa lahat na panoorin ang bagong pelikula ng Regal Entertainment Inc.
Parang may fundraising: Mga ninong at ninang ng anak ni Mark, OA sa rami
Isang private na binyag ang inihahanda ni Mark Herras para sa kanyang anak na si Ada, turning 6-months ngayon.
Dahil private ang binyag ng bagets, ayaw ipasulat ni Mark ang date, church, at reception venue ng binyag ng kanyang anak. Isa lang ang kinumpirma ni Mark, totoo ang balita na umabot sa 80 ang bilang ng mga ninong at ninang ng kanyang unica hija. Tawa lang nang tawa si Mark sa biro na fundraising event ang binyag ni Ada dahil sa rami ng kanyang mga kaibigan, lahat eh nagprisinta na maging godparents ng bagets.
Siyempre, hindi mawawala sa listahan ng mga ninang ni Ada si Jennylyn Mercado, ang ex-girlfriend ni Mark at leading lady nito sa Rhodora X ng GMA 7.
Sa totoo lang, best of friends ngayon sina Mark at Jennylyn. Mas maganda ang kanilang relasyon ngayon kesa noong mag-dyowa pa sila na galit-bati ang drama.
Nag-mature na rin kasi ang dalawa kaya naman umaasa ang fans nila na darating ang panahon na sila pa rin sa bandang huli. Ganyan katindi ang fans nina Mark at Jennylyn. Buo ang kanilang paniniwala na ang mga idolo pa rin nila ang magkakatuluyan.
Vhong at Cedric, nagpanggapna hindi nagkita sa korte
Sa unang pagkakataon pagkatapos ng makasaysayan na gabi noong January 22, muling nagharap sa Taguig City si Vhong Navarro at ang dalawang akusado sa pambubugbog sa kanya, sina Cedric Lee at Zimmer Raz.
Ang pagkakaiba lang, nagharap sila sa korte ng Taguig City at hindi sa isang condominium building.
Nagkita-kita ang tatlo pero nag-pretend sila na hindi nakikita ang isa’t isa. I’m sure, pinilit ni Vhong na magpakatatag, hitsurang nag-flashback ang pananakit at pang-aabuso na ginawa sa kanya ng grupo ni Cedric.
Dinagsa ng mga miyembro ng media ang Taguig Metropolitan Trial Court pero nabigo sila na makapasok sa loob ng sala ni Judge Paz Esperanza Cortes.
As usual, nakangiti pa rin si Cedric nang dumating siya sa korte. Sinanay na ni Cedric ang sarili na ngumiti dahil kapag naka-smile ang isang tao, mahirap mahulaan ang kanyang tunay na nararamdaman, kung natatakot ba siya o nahihiya dahil nakaposas ang mga kamay niya.
Deniece sa karton natutulog kasama ang mga babaeng sangkot sa human trafficking
Nagsadya kahapon sa Taguig City court si Deniece Cornejo para mag-file ng petition na payagan siya ng korte na magpiyansa para sa non-bailable offense na serious illegal detention, Nagsalita ang female legal counsel ni Deniece na kahit non-bailable ang kaso, puwedeng mag-file ng bail ang nasasakdal kapag hindi malakas ang ebidensya.
Naranasan ni Deniece na matulog sa loob ng kulungan sa unang pagkakataon noong Lunes ng gabi. Hindi raw nakatulog si Deniece dahil namamahay ito. Mahirap naman talaga na matulog sa maliit at mainit na selda ng Camp Crame. Ang tuwalya ang ginamit ni Deniece na unan at pinagpatong-patong na karton ang ginawa niya na higaan. Mga babae na sangkot sa human trafficking ang kasama ni Deniece sa kulungan.
- Latest