Marynell tamang direksiyon sa showbiz ang gustong tahakin
MANILA, Philippines - Nasa bansa ngayon ang very promising and talenÂted siÂÂnger, model, and beauty queen mula London na si Marynell. And wait, hindi siya foreignay, isa siyang tunay na Filipina beauty.
Dalawa ang rason kung bakit siya nasa bansa – ang mag-charity work sa hometown ng kanyang ama, ang Ilocos na bahagi nang kanyang panaÂnalo bilang second runner upm Ms. ChaÂrity and Ms. Socialtel sa Ms. London – NABA 2013. Nauna nang nanalo si Marynell bilang Ms. Calendar Cover Girl 2014 sa London din (nakuha rin ang best in casual wear), Miss ChaÂrity and Miss Popularity.
At ang pangalawang rason, itutuloy niya ang pangarap na mag-record ng sariling album.
Sa edad na 17, nasa hitsura ni MaryÂnell ang maging malaking star. Maganda at talented plus supportive parents na ibinibigay lahat ng trainings para matupad ang lahat ng kanyang pangarap.
Ngayon pa lang ay marami na siyang plano – gumawa ng album, mag-try umarte sa pelikula, magkaroon ng print and TV commercials and irepresent ang bansa sa international beauty pageant.
Pero gusto niyang hinay-hinayin ang lahat.
Sa kasalukuyan ay naka-focus siya sa pagkanta. Nagbo-voice lesson siya kay Fredric Herrera ng EuroPinoy Talent Center sa London.
Naging member na siya ng isang banda kung saan nakapag-perform sila kasama ang ibang Filipino talents sa UK.
At sa kanyang first recording session nakatrabaho niya agad ang veÂteran record producer na si Margot Gallardo.
Sa kanyang hitsura at talent, walang dudang tamang direksiyon sa showbiz ang tatahakin niya.
- Latest