^

PSN Showbiz

Jackie nagpakalbo na rin!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matindi ang pinagdaraanan ngayon ng dating Regal baby at That’s Entertainment star na si Jackie Forster, dahil may sakit na leukemia ang kanyang bunso at kaisa-isang anak na babae na si Caleigh, 4 years old.

Nung nakaraang January lamang na-detect ang sakit ni Caleigh at sumasailalim na siya ng chemotherapy procedure kaya siya nakalbo. Bilang suporta at pakikisimpatiya sa anak, nagpakalbo na rin si Jackie at ang isa pa niyang anak na si Jared (8) sa kanyang foreigner husband na si Michael. Bago ang pagkakasakit ng kanyang bunsong anak, ma­tinding ipinaglalaban ni Jackie ang kanyang karapatan bilang ina ng kanyang dalawang anak sa kanyang ex-husband na si Benjie Paras na sina Kobe at Andre Paras.

Focused si Jackie ngayon sa pagpapagamot at pag-aa­laga sa kanyang bunso at patuloy siyang nananalangin na pagagalingin ng Diyos si Caleigh.

Hindi raw siya tiboli, Julie Anne type sina Dingdong, Tom, Dennis, at Gerald

May mga nagsi-circulate na lesbiana umano ang pina­ka­bagong celebrity endorser ng Careline cosmetic products, ang Kapuso young star na si Julie Anne San Jose at nakarating na rin ang intrigang ito sa kanya.

“Ay hindi po. Babaeng-babae po ako,” kontra niya sa press launch ng Careline last week.

“I have to admit na mahilig po ako sa mga sports na pang­lalaki tulad ng Muay Thai, firing, archery, at table tennis pero hindi naman po nangangahulugan na tomboy ako. May mga babae rin namang nagba-boxing para lamang gumanda ang kanilang katawan pero hindi rin sila tomboy,” pagtutuwid niya.

Eh bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend?

“Hindi naman po sa walang nagkakainteres o nagpaparamdam.  It’s just that mas focused po ako sa aking trabaho at hindi pa po ako handa na magka-boyfriend dahil may mga pangarap pa akong gustong abutin. Kasi kung may boyfriend po ako, madi-divide ang time at attention ko.  But I’m not saying na ayokong magka-boyfriend.  Not now lang,” deklara niya.   

Masayang-masaya si Julie Anne sa magandang takbo ng kanyang career. 

Si Julie Anne bale ang kauna-una­hang Kapuso young star na kinuhang en­dorser ng Careline cosmetic products kung saan ang mga naunang celebrity endorsers ay sina Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, at Erich Gonzales na pare-parehong Kapamilya stars.

Unknown to many, Si Julie Anne ay tulad din nina Aiza Seguerra, Ryzza Mae Dizon, at iba pang mga sikat na personalidad ngayon na nagsimula sa Little Miss Philippines, ang long-run­ning noontime show na Eat Bulaga kung saan siya nanalong 1st runner-up in 1997 nung siya’y tatlong taong gulang pa lamang.

Samantala, walang problema kay Julie Anne kung ang kanyang dating ka-love team na si Elmo Magalona ay may Janine Gutierrez na, dahil pareho niya umanong kaibigan ang dalawa at masaya siya para sa kanila.

Hindi ikinakaila ng Kapuso star na showbiz crush niya sina Dingdong Dantes, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, at Kapamilya actor na si Ge­rald Anderson.

 

CALEIGH

CARELINE

JULIE ANNE

KANYANG

KAPUSO

SHY

SI JULIE ANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with