Pacman ‘di sinipot ang Palarong Pambansa!
SEEN: Binibigyan ng kulay pulitika ang hindi pagsipot kahapon ni Manny Pacquiao sa ope ning ceremonies ng 57th Palarong Pambansa dahil hindi kaalyado ni P-Noy si Laguna Governor ER Ejercito.
Ang Laguna ang host province ng Palarong Pambansa.
SCENE: Ngayon ang face-off nina Vhong Navarro at Cedric Lee sa Branch 271 ng Taguig Metropolitan Trial Court.
Ngayon ang pre-trial ng petition to bail at motion for continuance of detention sa NBI compound ng kampo ni Cedric.
SCENE: Tawa nang tawa si Bernadette Sembrano habang ibinabalita niya kahapon sa Umagang Kay Ganda na nakakaapekto sa utak ng mga diabetic ang mataas na blood sugar.
Tawang-tawa si Bernadette dahil diabetic ang kanyang UKG co-host na si Anthony Taberna.
SEEN: May permiso ng American husband ni Patricia Javier ang pag-uwi nito sa Pilipinas para i-resume ang kanyang acting career.
Muling pumirma si Patricia ng kontrata sa kompanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films.
SCENE: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine cinemas noong April 16 hanggang April 20. Winner pa rin ang Diary ng Panget na hindi natinag sa pang-apat na puwesto.
- Latest