Lorna ayaw tumulad sa pakiki-BF agad ni Zsa Zsa
May ilang taon na ring namayapa ang action superstar na si Rudy Fernandez pero hanggang ngayon ay never na nag-entertain ng ideya ang kanyang biyudang misis na si Lorna Tolentino na muling mag-asawa ng iba. Ganoon kamahal ni LT ang kanyang nasirang mister.
Mas focused si LT ngayon sa kanyang acÂting career, sa kanyang dalawang anak, apo, at maÂging sa negosyo na kabaliktaran ng pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla na muling nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ni Conrad Onglao.
Takot sa Diyos, Echo Nag-Pramis Na Hindi Mangangaliwa
Isa nang ganap na Mr. and Mrs. Jericho Rosales ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales at Filipino-British model na si Kim Jones matapos ikasal ang dalawa sa isang intimate garden-beach wedding sa Boracay last May 1.
Malaki ang papel ng beach sa pag-iibigan nina Jericho at Kim dahil pareho silang mahilig sa dagat at mag-surf kaya beach wedding ang kanilang theme.
Kung two-timer ang papel na ginagampanan ni Echo sa The Legal Wife, gusto niyang maging tapat sa kanyang brand new wife na si Kim dahil nasa sentro ng kanilang pag-iibigan ang Diyos.
Echo has a son sa kanyang ex-model girlfriend na si Kai Palomares, ang 14-year-old na si Santino na kanyang carbon-copy.
Kahit sobrang busy sa rami nANg raket, Pops gusto pa ring isiksik ang love life sa buhay
Concert Queen turned producer-businesswoman Pops Fernandez is busy with so many things. Magmula nang kanyang i-take over ang DSL Productions na itinatag ng kanyang inang si Dulce Lukban nung early 80’s, patuloy si Pops sa pagpu-produce ng mga shows and concerts here and abroad at labas pa rito ang kanyang online shopping business, ang Chipipay.
Although hindi niya tinatanggal ang posibilidad na muling ma-in lab at mag-asawa, ang kanyang attention ay naka-focus ngayon sa kanyang pagiging isang concert producer at businesswoman although kaya pa rin niyang pumuno ng malalaking venue.
Her two sons sa kanyang estranged husband na si Martin Nievera na sina Robin at Ram ay pareho nang nasa edad to even settle down kung gugustuhin ng mga ito. Nananatili naman silang close na magkaibigan ng kanyang dating mister na may sarili na ring buhay ngayon.
Katrina hindi mapilit pakasal kay kris lawrence
Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpakasal ni Katrina Halili kay Kris Lawrence na kanyang long-time boyfriend at ama ng kanyang anak. Hindi rin nagsasama sa iisang bubong ang magkasintahan although nakiki-sleep over si Kris sa bahay ni Katrina at si Kris naman ay umuuwi pa rin sa bahay kung saan niya kasama ang kanyang kapwa balikbayan singer at best friend na si Jay-R.
Kung si Kris lamang ang masusunod, matagal na siyang nag-alok ng kasal kay Katrina at gusto niya na magsama na sila sa iisang bubong bilang isang pamilya kasama ang kanilang anak.
- Latest