^

PSN Showbiz

Akting ni Jake nasapawan ng wig

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakahusay ng eksena nina Cherry Pie Pi­ca­che at Coco Martin nung Biyernes ng gabi sa Ikaw Lamang kung saan ay muli silang nagtag­pong mag-ina, matapos halos mamatay si Coco nang ipalibing siya nang buhay ng mga tauhan ng cha­racter ni Ronaldo Valdez para tuluyan na silang hindi magkita ni Kim Chiu. Hindi nagpahuli ang eksena nila sa napa­kaigting na confrontation scene nina Angel Locsin at Maja Salvador sa The Legal Wife. Kung dati ay ang mga kasabay nilang palabas sa ibang istasyon ang nagsisilbing competition, hindi na ngayon, silang dalawa na ang mahigpit na magkalaban. Kundi man sa viewership, dahil hindi naman sila magkatapat kundi magkasunod, ay sa ratings naman. Coco is still a hard actor to beat, lalo na nga­yong napapaligiran na siya ng napakara­ming senior stars, na sa halip na kumpitensyahin siya ay mas pinagaganda pa ang role niya. Ang galing din sana ni Jake Cuenca, pero hindi bentahe sa kanya ‘yung wig niya. Mas namamayani ang hindi pagkakagusto ng manonood sa hitsura niya kaysa sa galing niyang umarte.

Antoinette handang makipagbanggaan sa Kapuso stars!

Wala namang balak na makipag-away ni Antoinette Taus sa kaninumang Kapuso sa plano niyang pagbabalik sa iniwang network. She just hopes na patahimikin siya sa kanyang desisyon na maibalik muli ang kanyang pangalan sa limelight matapos siyang ma­wala nang maraming taon. Hindi madali na makilalang muli at matanggap lalo’t marami nang bagong tinatangkilik ang mga manonood ng tele­bisyon.

 â€œI’ve decided to once more, try my luck here, like my brother Tom. Wala akong balak na makipagkumpitensya kahit kanino, I just want to be given a fair chance na mabalikan ang aking trabaho and to work in peace. Alam ko mahirap, marami akong dapat na mapatunayang muli but I’m willing to take the chance, if they will allow me,” ang sabi ng balikbayang aktres na bago naman iniwan ang bansa ay nakapagpamalas ng kanyang husay bilang artista.

Dion may inggit factor sa mga kasabayan

Walang reklamo si Dion Ignacio kapag nakikitang nauu­ngu­san na siya ng mga kasabayan niyang Kapuso actors tulad nina Aljur Abrenica, Mike Tan, at Alden Richards. “Pero, aaminin ko naiinggit ako sa kanila. Wala naman akong magawa kundi mag­hin­tay ng mga mangyayari sa akin,” anang aktor na hindi naman na­wawalan ng assignment sa Kapuso Network. Kasama siyang muli sa Innamorata na launching project naman ni Max Collins na sinasabi niyang dating crush niya pero, hindi na ngayong identified na ito kay Pancho Magno. At kahit itanggi ni Max na nagkakamabutihan sila ni Pancho ay wala pa ring naniniwala.

“Malaki talaga ang gusto ko sa kanya nun, Gusto ko rin sana siyang makapareha. Pero hindi na ngayon. Respeto ko na lang ito kay Pancho na isang mabuting kaibigan.

“Masaya na lang ako na hanggang ngayon ay naririto pa rin ako.  Kung may mga nakauna man sa akin, marami ang nangawala na rin. Nagsipag-asawa na at may mga anak na. Si Mark (Herras) na lang ang aktibo kahit may anak na. Pero, wala pa naman siyang asawa,” sabi niya.

Max pumasa sa audition sa Qatar

Samantala, masaya si Max Collins at naitawid niya nang maganda ang Innamorata. “Kinabahan din ako dahil baka hindi panoorin eh, first lead role ko pa naman,” pag-amin niya, pero bukod sa tinangkilik ang Innamorata ay nakatagpo pa siya ng inspirasyon sa katauhan ni Pancho na itinatanggi niyang ka-on na niya, “Lumalabas kami, nagba-bonding pero, ni holding hands ay wala pa kami. Enjoy lang kami sa aming pagsasama. He’s such a sweet guy,” papuri niya sa manliligaw niya.

Pagkatapos ng Innamorata kung saan masaya siyang nabigyan ng extension ay pupunta siya ng Qatar para gumawa ng pelikula, isang indie film. Mga one month siyang mananatili dun.

“Si Leo Marinez ang nagsabi sa akin tungkol sa movie. I auditioned with most mga taga-TV5 ang kasabay ko. Mag-isa lang akong Kapuso. Meron din yatang makakasamang mga Kapuso actors pero, dito lang sila, Hindi sila pupunta ng Qatar. Aalis kami sa June, kasabay ng Ramadan,” imporma ni Max .

vuukle comment

INNAMORATA

KAPUSO

MAX COLLINS

NAMAN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with