^

PSN Showbiz

Produ ayaw nang makatrabaho ang tamad na aktres

SUNTOK SA BUWAN - Pilipino Star Ngayon

Sumusumpa ang isang produ na never na niyang kukunin ang maganda at seksing aktres kapag gumawa siya ng pelikula. Ang seksing aktres kasi ang bida sa iprinodyus na movie pero pagdating sa promosyon at ilang TV gues­tings ay tamad na tamad ito. Ang daming dahilan-kesyo magbabakasyon, kesyo pupunta ng abroad at marami pang reklamo kapag may guesting sa pang-uma­gang programa. Katwiran nito, hindi raw siya nakakagising sa ganoong oras.

Ang ending, hindi gaanong kumita ang pelikulang pinagbidahan dahil tamad sa pagpo-promote ng kanyang movie.

Ilan sa mga artista natin ang maaasahan pagdating sa pag-promote ng pelikula. Talaga namang nakakapagod sa pagpunta-punta sa iba’t ibang programa lalo na sa umaga pero may commitment ang isang artista na tumulong sa promosyon ng pelikula lalo na kung siya ang bida.

Nadine Jackpot sa anak ni Isabel

Natutuwa kami sa aming kaibigang si Nadine Sa­­monte dahil magiging maganda ang buhay may-asa­wa nito sakaling magpasyang lumagay na sila sa tahimik ng anak ni Isabel Rivas na si Richard Chua.

May magandang trabaho ang binata sa Immigration ng NAIA (Terminal 1). Higit sa lahat boto ang ina ng nobyo sa aktres.

Kaya ang engagement ring ni Nadine na bigay ni Richard ay galing pa kay Isabel.

Maswerte sa pag-aasawa ang aktres dahil napakabuti nitong anak kung saan siya ang tumatayong breadwinner ng pamilya at napagtapos ang kapatid sa kursong Nursing. Siya pa rin ang nagpapaaral sa bunsong kapatid.

Kontrabida si Nadine sa One of the Boys pero okey lang na malinyang kontrabida kaysa walang trabaho.

Donita Balik-Showbiz

Nagbabalik si Donita Rose sa Philippine TV via Basta Every Day Happy kasama sina Gladys Reyes, Alessandra de Rossi at Chef Boy Logro na magsisimula sa Mayo 12.

Ayon kay Donita excited na siya dahil naiiba ang cooking show.

Anang aktres, “I’m excited kasi ang concept ng show ay out of the box and I’m always willing to try something new.”

Natutuwa naman sina Alessandra at Gladys na maging bahagi ng GMA show.

vuukle comment

ALESSANDRA

BASTA EVERY DAY HAPPY

CHEF BOY LOGRO

DONITA BALIK-SHOWBIZ

DONITA ROSE

GLADYS REYES

ISABEL RIVAS

NADINE

NADINE JACKPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with