Tom halatang-halata ang makapal na makeup; Jinggoy hindi uurong sa pagbi-bise presidente
Seen : Si Marian Rivera ang reyna ng mga TV commercial ng mga bagong produkto na ipinakikilala sa publiko.
Scene : Mga kapatid ni Chariz Solomon sina Fourth at Fifth ng PBB All In ng ABS-CBN pero hindi binabanggit ng kambal na ate nila ang comeÂdienne na contract star ng GMA 7.
Seen : Hindi isinasantabi ni Senator Jinggoy Estrada ang plano na kumandidato sa 2016, kahit pinupukol siya ng mga kontrobersya.
Matunog ang balita na kakandidato si Jinggoy na bise-presidente ng Pilipinas bago siya nasangkot sa pork barrel scam.
Scene : Ang strong statement ni Ali Sotto na hinding-hindi niya pagkakatiwalaan si Janet Napoles. Bukod sa wala nang kredibilidad, mahirap daw pagtiwalaan ang katulad ni Napoles na nagnakaw sa kaban ng bayan ng bilyon-bilyong piso.
Seen : Si Sabel Gonzales, ang Julia Barretto ng Pangasinan ang nanalo kahapon ng title na Super Sireyna Queen of Flowers ng Eat Bulaga.
Scene : Parang honeymooners sina Kris Bernal at Carl Guevarra sa kanilang Japan vacation.
Hindi inaamin ni Kris na boyfriend niya si Carl.
Seen : May dapat ipaliwanag kay Laguna Governor ER Ejercito ang supplier ng Palarong Pambansa bags dahil defective ang mga zipper nito.
Ang mga atleta na kasali sa 57th Palarong Pambansa ang tumanggap ng bags na ginastusan ni Governor Ejercito.
Scene : Light foundation sa mukha ang dapat ilagay ni Tom Rodriguez dahil moreno ang kanyang skin complexion.
Nahahalata sa mga TV guesting ni Tom ang kanyang makapal na makeup.
- Latest