^

PSN Showbiz

Lani hindi mukhang lola sa bagong ‘hitsura’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik recording scene sa bansa ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha matapos ang limang taon sa paglunsad niya ng kanyang kauna-unahang album sa bago niyang recording label na Star Records.

All-Filipino tracks ang laman ng nasabing album na pinamagatang The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook. Kabilang sa tracklist ang kanyang carrier single na Muli, at ang mga makatindig-balahibong collaboration ni Lani kasama ang Journey frontman na si Arnel Pineda sa Maging Sino Ka Man; at sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, at Yeng Constantino sa track na May Bukas Pa.

Bahagi rin ng pinakabagong album ng award-winning at internationally-acclaimed singer ang revival ng mga sikat na OPM classics tulad ng  Anak, Paano, Ikaw Lamang, Pangako Sa ’Yo, Saan Darating Ang Umaga, Bulag, Pipi at Bingi, Gaano Kadalas Ang Minsan, Tayong Dalawa, at ang kanyang kauna-unahang movie theme song na Starting Over Again para sa blockbuster movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Teka ano nga bang naging kapalaran ni Lani sa Las Vegas. May mga shows naman siya doon pero parang hindi rin gaanong nag-take off ang pangarap niyang career sa Amerika.

Lola na si Lani pero in fairness, hindi pa naman tumatanda ang hitsura niya. Mas bumata pa nga sa kanyang bagong ‘mukha.’ 

Ang The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook album ay mabibili na sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download sa Internet ang nasabing tracks. Mag- log on lang sa iTunes, Amazon.com,at MyMusicStore.com.ph.

Belo tuloy ang paghahanap ng may maluwag na ‘Flower’

Wala pa ring nakukuhang endorser ng Pussykip machine (Femme Lift) ang Belo Medical Group. Mismong si Dra. Vicki Belo ang nagkuwento nang makausap namin over lunch more than a week ago na naghahanap sila nang endorser ng machine na pampasikip ng vagina. Wala silang maisip. Kaila­ngan nga naman kasi ay nanganak the natural way at dapat mga apat ang anak para masubukan ang galing ng Pussykip.

Nang biruin namin si Regine Velasquez kung type niyang maging endor­ser mabilis ang sagot nitong hindi niya kailangan dahil ceasarean siya so hindi dun lumabas.

“Hindi ko pa kailangan ‘yun eh. Ok pa ako,” sabay tawa niya at dinimonstrate pa kung ano yung kipot pa at hindi nang ‘flower.’

So sino kayang bagay sa bagong machine na ito ng Belo Medical Group?

Lahat na lang talaga ngayon may solusyon. Pati ‘yun puwede ka uling magpanggap na ‘virgin’  kahit ilang beses ka nang nanganak kung may datung ka, pwedeng-pwede.

Singer may alam sa pagbubuntis daw ng aktres

Tinatanong ng isang singer  sa amin minsan kung totoo ang tsismis na buntis ang isang actress na kasalukuyang nasa abroad. “Uy buntis ba si (name ng actress). Ilang buwan na?”

In fairness nagulat kami dahil wala kaming idea na may issue na buntis sa actress.

Ang alam namin may pinagkakaabalahan ito sa abroad kaya ito nasa ibang bansa.

So mas updated ba si singer kesa sa amin dahil wala kaming alam na ganun sa actress?

Hmmm. Maimbestigahan nga. I’m sure reliable ang source ni singer.

                                                                                           

 

ANG THE NIGHTINGALE RETURNS

ANGELINE QUINTO

ARNEL PINEDA

BELO MEDICAL GROUP

FEMME LIFT

GAANO KADALAS ANG MINSAN

LANI

LANI MISALUCHA SINGS THE GREATEST FILIPINO SONGBOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with