^

PSN Showbiz

Tandem nina Andrea at Raikko sa Wansapanataym pumalo sa rating

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinutukan ng TV viewers ang pagsisimula ng pinakabagong Wansapanataym special ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo na pinamagatang My Guardian Angel. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Sabado (Abril 26), kung kailan humataw ng national TV rating na 26.2% ang pilot episode ng My Guardian Angel. Samantala, pa­nibagong pagsubok naman ang haharapin ng mga karakter nina Andrea at Raikko sa Wansapana­taym ngayong Sabado (Mayo 3) dahil magsisi­mula nang magrebelde si Ylia (Andrea) sa kanyang ina. Paano mapipigilan ni Kiko (Raikko) ang pagsuway ni Ylia sa mga utos ng kanyang nanay? Tuluyan na bang masisira ang relasyon ni Ylia sa kanyang mga magulang? Tampok din sa My Guar­dian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

ABBY BAUTISTA

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

DALE BADILLO

EJAY FALCON

GERARD PIZARRAS

JOEL MERCADO

KANTAR MEDIA

MY GUARDIAN ANGEL

YLIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with