Mga kwento ng tagumpay at kabiguan nasa GRR
MANILA, Philippines - Marami ang naniniwala sa kasabihang Pinoy na … “pag may tiyaga may nilaga.†At ang tao raw na may ambisyon may kakabit na pagsisikap at may positibong pananaw ay makakarating sa tugatog ng tagumpay.
Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga kung saan may paÂnayam ang host-producer na si Mader Ricky sa mga taong nagtagumpay sa kani-kanilang larangan.
May talent sa pagpapatawa ang sidewalk vendor na si Didong. Pangarap niya’y magamit ang comic talent at sumubok siyang sumali sa mga stage show kung saan natuklasan siya ng isang talent manaÂger na nagbigay sa kanya ng break sa entablado. Ngayo’y di na tumatakbo sa lansangan si Didong lalo na kung dumarating ang mga pulis na nanghuhuli sa mga tindero sa bangketa.
Pinapalakpakan na siya ngayon at isa nang sikat na komedyante sa entablado.
Isa pang susi sa tagumpay ay ang personalidad ng isang tao. Ilalahad ng isang ginoo na matapos siyang bigyan ng total make over ng GRR Salon ay nginitian na siya ng suwerte.
Pero ‘di lahat nang nangarap ay nagtagumpay. Isang ginang na piniling maÂging overseas worker para gumanda ang buhay ng kanyang mga anak. Naging maramot ang kapalaran sa babae na umuwing luhaan sa mga anak.
Ano ang buhay matapos magwagi sa isang beauty pageant? May interbyu si Mader sa Miss Earth Philippines 2014 at iba pang finalist kung paano nila pinaghandaan ang timpalak-kagandahan.
Ibabahagi rin nila ang mga plano matapos maputungan ng korona.
Laging panoorin ang GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision tuwing Sabado sa GMA News TV.
- Latest