^

PSN Showbiz

Maimpluwensiyang showbiz family tanggap ang katomboyan ng kaanak, karelasyon idini-display na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pilipino Star Ngayon

Tanggap ng isang maimpluwensyang showbiz family ang gender ng isa nilang ka­anak, na babae man ang hitsura nito, lalake naman ang puso nito. Hindi nila ito itinakwil o ipinagpi­li­tang makipag-relasyon sa lalake at hindi rin kinontra nang magka-GF. Ang maganda pa, tanggap ng pamilya ang nobya ng kanilang anak.

Ang patunay na tanggap ng showbiz family ang GF ng kanilang kaanak ay ang pic­tures nitong kasama sila sa family event nila. May litrato rin ang nob­ya ng anak ka­sama ang pinakapuno ng pamilya at nakaakbay pa ito sa GF ng apo.

Maganda ang relasyon ng magsyota na puwedeng tumapat sa sweetness nina Aiza Seguerra at Liza Diño. Hinanap ng kaanak from the influential family ang GF niya nga­yon, nagpakilala at saka nanligaw. Nagka-inlaban ang da­la­wa at ngayon, masaya sa piling ng isa’t isa.

Ang kulang na lang sa magkarelasyon ay luma­bas sa pub­liko, pero ma­labo itong mang­yari sa ngayon dahil baka hindi ma­tanggap. Hayaan muna natin ang dalawang masaya sa kanilang relasyon na close friends lang nila ang nakaalam.

Billboard ni Marian sa Belo nagkalat na

Pangalawa na si Ma­rian Ri­vera sa celebrities na nakiusap sa online sellers na ‘wag mag-post sa kanyang Instagram (IG). Ayaw nitong ga­wing marketplace ang kanyang IG at sinabing ang hindi susunod ay kanyang iba-block.

Aprubado sa followers ng aktres ang ginawa nito at pinuri ang tapang nito at hindi natakot sa bashers at haters. Malinis-linis na ang IG ng aktres, pero may mga pasaway pa rin at gusto yatang ma-block ni Marian.

Nauna na si Pauleen Luna na makiusap na ‘wag gawing marketplace ang IG niya and in fairness, sinunod siya, kaya wala na ring online sellers sa IG niya. Malinis na ang page ni Pauleen kaya mas libre ang followers niyang mag-post ng comments.

Samantala, nakataas na ang Belo billboards ni Ma­rian bilang Belo Summer Babe na pinagpipiyestahan ng kanyang fans. Sabi ni Marian, “So happy to be part of the Belo family.”

Anway, last three weeks na lang ng Carmela.

Janine May totoong BF, eklay lang ang relasyon nila ni Elmo?

Hindi kami sinagot ni Janine Gutierrez nang ta­­nu­­ngin namin kung seloso si Elmo Magalona at tining­nan lang ang kapareha sa Villa Quintana. Kaya tinanong namin si Janine dahil sa tsikang may non-showbiz BF siya named Nico Lumauig at dito na natawa ang young actress, sabay tangging nob­yo niya ito’t friend lang daw niya ito.

Hindi namin ipinarinig kay Elmo ang tanong namin kay Janine, kaya hindi namin alam kung pagseselosan niya ang pagkaka-ugnay ng leading lady sa GMA 7 soap sa nabanggit naming pangalan.

Pareho ang sagot ni Janine kay Elmo sa binanggit ng press na malaki ang improvement nila sa ac­ting mula nang magsimula sila sa showbiz. Sabi ng dalaga, marami silang veteran actors na kasama sa Afternoon Prime at sayang kundi pa nila pagbubutihan ang pag-arte.

Muli palang natawa si Janine nang biruin na­ming parehong masaya ang love life nila ng inang si Lotlot de Leon na may BF na ngayon. Pero ayaw pumayag ni Janine na kamukha ng dad niyang si Ramon Christopher ang BF ng ina. Hindi pa rin nito makitang stepdad niya ang nobyo ng ina dahil nag-iisa lang daw ang ama niya.

Keempee tinanggihang makasama si Janno?!

Nakita namin si Janno Gibbs sa GMA Network noong isang araw, kaya lang, nagmamadali ito at hindi na namin nakausap. Itatanong pa naman na­min kung kasama siya sa naiwan sa Sunday All Stars at kung ano ang feeling niya sa malaking pagbabago ng show.

Marami ang nalungkot sa mga dating performers ng show na naalis at ‘yung iba ay semi-regular ang status as in, once a month na lang ang labas nila sa show.

Isa pa naming itatanong sana kay Janno ay kung nag-taping na sila para sa My BFF, na hindi natuloy ang pagsasama-sama nila nina Manilyn Reynes at Keempee de Leon dahil balitang hindi tinanggap ni Keempee ang project.

 

vuukle comment

BELO

ELMO

JANINE

KEEMPEE

LANG

NILA

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with