Popular celeb wala nang balak pakasalan ang karelasyon unpredictable ang takbo ng utak
Wala nang balak ang isang popular celebrity na magpakasal sa kanyang equally popular boyfriend.
Mahal na mahal ng popular celebrity ang kanyang dyowa pero hindi pa siya handa na magkaroon ng commitment.
Sa true lang, may fears ang popular celebrity para sa kanyang dyowa na unpredictable ang pag-iisip. Ang takot na nararamdaman ng popular celebrity ang dahilan kaya ayaw na niya na magpakasal sa kanyang boyfriend na clueless at looking forward sa grand wedding na malabo na matuloy.
SUPER SIREYNA IBINALIK NG BULAGA
Ibinalik pala ng Eat Bulaga ang contest nila para sa mga baklita, ang Super Sireyna Worldwide.
Nasa bahay lang ako kahapon bilang holiday dahil Labor Day kaya napanood ko ang Super Sireyna at ang mga contestant na baklita na mga tunay na babae ang physical appearance.
I’m sure, mataas ang ratings ng Super Sireyna kaya ibinalik ito ng Eat Bulaga. Hindi nawawalan ng mga baklita na sumasali sa Super Sireyna dahil sa bonggang exposure at premyo na ibinibigay ng number one noontime show ng bansa.
Lani hindi nakalimot sa pangako
Si Bacoor City House Representative Lani Mercado lang ang nakarating sa merienda meeting namin noong Miyerkules.
Hindi nakasipot si Senator Bong Revilla, Jr. dahil may important appointment siya na hindi puwedeng dedmahin.
Ibinigay sa akin ni Lani ang Holy Rosary at olive wood necklace na pasalubong nila ni Bong mula sa Holy Land. Nagpasalamat ako kay Lani dahil hindi siya nakalimot sa pangako nila ni Bong.
Noong April 13 ang kaarawan ni Lani pero noong Miyerkules lang kami nagkita dahil hectic din ang schedule niya.
James at Pacman tuloy sa palaro…
Maraming salamat kay Jobert Sucaldito dahil ipinadala niya sa akin ang press kit ng Palarong Pambansa, ang sports event sa Laguna province na biggest project ni Laguna Governor ER Ejercito.
Dahil sa publicity guide, nalaman ko na sa Lunes ang grand opening ng 57th Palarong Pambansa na lalahukan ng libu-libong high school athletes mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Sure ako na dudumugin ng fans ang opening ceremonies sa Lunes dahil kumpirmado ang participation nina James Yap, Enchong Dee, at Congressman Manny Pacquiao.
Excited ang mga ka-join sa Palarong Pambansa nang makita nang personal sina Papa James, Papa Manny, at Enchong.
Si Papa ER ang punong-abala sa week-long activities ng Palarong Pambansa at sa pakikipagtulungan ito ng Department of Education.
Alam ko na malaki ang participation ng DepED dahil witness ako sa siÂgning ng Memorandum of Agreement na ginanap sa DepEd office sa Pasig City noong January 2014.
Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang magpirmahan sina Papa ER at DepEd Secretary Armin Luistro at sa Lunes, maisasakatuparan na ang kanilang malaking project na pakikinabangan ng mga kabataan na tunay na pag-asa ng ating bayan.
- Latest