Venus naghihintay pa rin sa Mr. Right
Former beauty queen Venus Raj does not discount the possibility na pasukin ang larangan ng puÂlitika balang araw. Ito marahil ang dahilan kung bakit siya kumukuha ng kanyang masteral degree in community development sa University of the Philippines. At kung ito man daw ay mangyayari ay gusto niyang magsimula sa kanyang hometown sa Bato, Camarines Sur dahil gusto niyang matulungan ang kanyang mga kababayan at ang kanilang lugar.
Bukod sa pag-aaral, ang isa sa pinagkakaabalahan ni Venus ay ang kanyang weekly travel magazine show with businesswoman Cristina Decena, ang Business Flight na napapanuod tuwing araw ng Linggo sa GMA News TV, alas-9 ng umaga.
Matapos ang kanyang break-up with Andre Felix, loveless pa rin hanggang ngayon si Venus at umaasa siya na darating din sa kanya balang araw ang kanyang Mr. Right.
Fil-Am na finalist sa X-Factor U.S.A., type si Enrique
Hindi ikinakaila ng California-based 17-year-old Fil-Am na si Ellona Santiago, finalist sa reality show na X-Factor U.S.A. na crush niya ang young heartthrob na si Enrique Gil. Willing umano siya na ito’y makatrabaho sa isang teleserye kung saka-sakali.
Magmula nang maging finalist si Ellona sa X-Factor U.S.A. ay nagkaroon siya ng maraming offers to sing sa iba’t ibang Filipino communities in the U.S. at maging sa ibang bansa. Katunayan, may concert siya sa Canada sometime in August.
Since nakapag-guest na si Ellona sa 20th anniversary celebration ng TFC (The Filipino Channel), looking forward siya na makapag-guest sa ASAP at iba pang programa ng ABS-CBN.
Dokyu para sa pangangalaga ng marine life ipinamimigay ni Sen. Loren
Sa kanyang pagnanais na makapag-create ng awareness na may kinalaman sa kasalukuyang kundisyon ng ating marine life at underwater resources, nag-launch kamakailan lamang si Sen. Loren Legarda ng video documentary na may kinalaman sa Philippine marine biodiversity.
Ipakikita sa video ang kagandahan ng Philippine marine life at ang polusyon sa ilalim ng dagat sanhi ng mga basura.
Ang mga kopya ay ipamamahagi rin sa mga schools, local government units, non-government orÂganizations at iba pang mga institusyon.
Mga Pinoy tuwang-tuwa sa pagtanggal ng visa sa Japan
Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin na magiÂging visa-free na ang Japan, kaya tiyak na isa na ito sa mga destinasyon na pupuntahan nila para magÂbakasyon. Kilala ang Japan sa pagiging maÂhigÂpit pagdating sa pagkuha ng visa bukod pa na naÂpakamahal ng cost of living doon.
Sana lamang ay huwag itong abusuhin ng iba nating mga kababayan para mag-TNT doon tulad nang ginagawa ng iba para hindi na ibalik ang sobÂrang paghihigpit ng Japan government sa mga Filipino na pumapasok sa kanilang bansa.
‘Bilog’ ang tawag sa mga Pinoy na nagti-TNT (tago nang tago) sa Japan.
- Latest