^

PSN Showbiz

Dahil sa relihiyon, actor lumipad ang pagbibidahang serye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pala sa usapin ng religion, na-launch na ang isang mahusay umarte na teen actor (TA). Ang sabi, sa mahusay na teen actor unang in-offer ang isang malapit nang umereng soap, pero dahil sa religion, no choice ito kundi tanggihan ang project.

Kasi ang religion ni TA may mga ipinagbabawal na praktis ng Roman Catholic religion na kung kanyang gagawin kahit sabihing ac­ting lang, baka magkaproblema ito at ang kanyang pamilya.

Kaya ayun, mas pinili ni TA ang nakagisnang religion kesa launching project at wala itong panghihinayang na naramdaman.

Tom nakonsensiya sa katabaan, todo workout na

Galing si Tom Rodriguez sa taping ng Niño sa Paete Laguna, naligo lang at pumunta sa presscon ng So, It’s You. Kuwento nito, special guest lang siya sa drama series na magpa-pilot sa May 26, four days siyang nag-taping at one week yatang tatagal ang labas niya.

May anak si Tom sa Niño at sa So, It’s You (parehong si Marc Justine Alvarez ang gumaganap), kaya ang tanong namin, okay lang ba sa kanya na nalilinya siya sa father roles? Hindi raw problema sa kanya kung father role, trabaho lang daw ito, mas concern siya kung nagagampanan niya itong mabuti.

Pinuna ng press ang gumagandang katawan ni Tom at sabi nito, kulang pa ang workout niya para sa September Fashion Show ng Bench. Saka, kahit busy sa maraming raket, kinailangan niyang mag-workout after kunan ang eksenang naka-swimming trunks siya sa So, It’s You.

Nilapitan daw siya ni Direk Jun Lana at binulungan na tumigil siyang humi­nga for a few minutes para hindi makita ang malaking tiyan na ginawa naman niya. After that scene, nag-decide siya na ipagpatuloy ang workout at kaila­ngan din sa trabaho niya na fit siya. Pangako nito, ilang months pa at maganda na uli ang katawan niya.

Hindi rin bothered si Tom na may ibang itinuturo na siya ang third party sa break-up nina Carla at Geoff Eigenmann. Wala raw siyang kinalaman sa break-up ng dalawa at unfair sa kanya kung sisisihin siya. Saka, may pi­nag­dadaanan din siya dahil nag-break na rin sila ni K-La Rivera.

Anyway, showing sa May 7 ang So, It’s You  na ang second version ng trailer na inilabas ng Regal Entertainment ay nagpakilig pa rin sa TomCar fans nina Tom at Carla.

Bake shop nina Oyo at Kristine pumatok agad

Pinost ni Oyo Boy Sotto sa Instagram (IG) ang ultrasound result ng asawang si Kristine Hermosa-Sotto ng kanilang second baby na ipinagpasalamat ni Oyo. Answered prayer daw sa kanila ng asawa ang pagdating ng kanilang baby boy.

Magiging tatlo na ang anak nina Oyo at Kristine dahil may adopted baby boy sila ni Kristine na tunay na anak ang turing nilang dalawa. Babae ang first child ng mag-asawa at ngayon ay hinihintay ang paglabas ng kanilang baby boy.

Na-post din ni Oyo ang picture ng binuksan nilang bake shop/deli/grocery na tinawag nilang Farmery na nasa Alabang Hills. Hit ang Farmery dahil may mga nagre-request kay Oyo na magbukas ng branch sa ibang lugar.

Very proud tiyak sina Vic Sotto at Dina Bonnevie kay Oyo at sa ate nitong si Danica Sotto-Pingris dahil parehong maganda ang buhay ng mag-asawa at responsible parents to their children.

ALABANG HILLS

CARLA

DANICA SOTTO-PINGRIS

DINA BONNEVIE

DIREK JUN LANA

KRISTINE

OYO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with