Cedric Lee walang nagawa, ka-level na ng mga preso sa Taguig
Waiting na kina Cedric Lee at Simeon “ Zimmer†Raz, Jr. ang mga preso ng Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Nalaman kasi agad ng inmates ng Taguig City Jail ang utos kahapon ng Taguig City Court na ilipat sina Cedric at Zimmer sa Taguig City Jail.
Ang ibig sabihin, iiwanan ng dalawa ang NBI Headquarters, whether they like it or not.
Ang korte na ang naglabas ng utos at natanggp kahapon ng NBI ang order ni Judge Paz Esperanza Cortez, ang hukom na may hawak ng serious illegal detention case na isinampa ni Vhong Navarro laban sa grupo nina Cedric at Simeon aka Zimmer.
Natatandaan pa naman ng madlang-bayan ang pralala ni Cedric nang mahuli sila ni Zimmer sa Eastern Samar ng NBI agents. Ang sey ni Cedric, gagawa ng paraan ang kanyang lawyer para makulong sila sa NBI at hindi sa ordinarÂyong kulungan.
Epic fail ang pralala ni Cedric dahil hindi puwedeng baliin o kontrahin ang order ng Taguig City Court.
Excited na ang mga preso ng Taguig City Jail na makita in person ang mga sangkot sa pambubugbog kay Vhong noong January 22.
P-noy hindi nagpatalbog ng inglisan kay Obama
Siya’y Umalis, Siya’y Dumating ang title ng pelikula nina Marlene Dauden at Nestor de Villa noong 1975.
Naalaala ko ang pamagat ng pelikula dahil ganito ang naging drama ni U.S. President Barack Obama na biglang dumating at biglang umalis sa ating bansa.
Walang 24 oras ang pananatili ni Papa Barack sa Pilipinas. Ni hindi niya naranasan na magkaroon ng jetlag sa ating bansa dahil umalis na siya kahapon.
Pinanood ko noong Lunes sa TV ang live coveÂrage ng state dinner para kay Papa Barack.
In fairness, hindi nagpatalbog si P-Noy sa pagsasalita ng American language. Mahusay at napakaliÂnaw ng pagsasalita ni P-Noy na fluent sa lengguwahe ng mga Amerikano.
Hindi ako nahirapan na intindihin ang speech ni P-Noy, pati na ang bonggang speech ni Papa Barack na pinuri-puri ang lahi ng mga Pilipino.
Mother Lily hindi natupad ang wish na maka-selfie si Pres. Barack
Black gown ang suot ni Mother Lily Monteverde sa state dinner para kay Papa Barack.
Ewan ko lang kung natupad ang wish ni Mother na magkaroon ng selfie photo na kasama ang presidente ng Amerika.
Hindi na maabot si Mother dahil invited ito sa state dinner sa Malacañang Palace. KÂnowing Mother, marami siyang kuwento tungkol sa big event na dinaluhan niya.
Elmo kumikislap ang mata ‘pag si Janine ang pinag-uusapan
Running shoes ang birthday gift ni Janine Gutierrez sa kanyang boyfriend na si Elmo Magalona.
Hindi pa inaamin ng dalawa ang tunay na relasyon pero sure ako na mag-on na sila dahil halatang-halata sa kanilang mga kilos at pananalita.
Kumikislap ang mga mata at nagliliwanag ang mukha ni Elmo kapag tungkol kay Janine ang questions sa kanya ng mga reporter.
May statement pa si Elmo na “She’s like a breath of fresh air†bilang description sa babae na minamahal niya.
- Latest