^

PSN Showbiz

Karel Marquez isusunod na sa kanyang apelyido ang dalawang anak

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagal na ring hiwalay sa kanyang live in partner si Karel Marquez na anak ng estranged couple – ang singer-actress na si Pinky Marquez  at  si Dr. Eduardo Santos. Six years silang nagsama ng ama ng kanyang dalawang anak na si Armand Go. Mag-isa na niyang palalakihin ang dalawang anak na sina Kelley (5) at Kyler (3).

Ayon sa singer-actress, hindi madali ang kanyang role bilang working mom dahil kailangan niyang balansehin ang kanyang oras sa kanyang tra­baho at sa dalawa niyang growing up kids.

Napag-alaman namin na ang pagiging iresponsable umano ng ama ng mga bata ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.  Since she has to raise her kids by herself, kailangan niyang kumayod nang kumayod.

Si Karel ay kabilang sa Batch 10 ng Star Circle. Naging VJ siya ng Myx sa loob ng ilang taon, nakagawa ng iba’t ibang TV series and movies and product endorsements.  Kung kelan gumaganda na ang takbo ng kanyang career ay pansamantala siyang tumigil dahil sa kanyang pagbubuntis at nag-alaga ng dalawang anak. Binalikan ni Karel ang kanyang showbiz career sa pamamagitan ng TV drama series na Ang Babaeng Hampaslupa ng TV5 at magmula noon ay tuluy-tuloy at kasama na rito ang hit gay series na My Husband’s Lover on GMA.

Kinu-consider ni Karel na isa siyang hands-on mom sa dalawa niyang anak.  Kapag wala siyang trabaho ay ipinagluluto niya ang mga ito, ipinami­mili ng kanilang mga gamit at kasama sa pamamas­yal at panonood ng sine.  

Since hindi naman kasal si Karel sa kanyang ex-live-in partner, balak niyang isunod ang apelyido ng mga bata sa kanyang real family name na Santos.

Sen. Loren hindi sumusuko sa kampanya sa pangangalaga ng kalikasan

When it comes to environmental preservation, number one supporter ang lady senator na si Sen. Loren Legarda.  Napakarami na rin niyang batas na naipasa para patuloy na mapangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran. Patuloy ang mga kalamidad sa Pilipinas dahil sa kagagawan at kapabayaan ng mga tao.

Ang walang habas na pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan, ang pagtatapon ng mga basura kahit saan na nagiging dahilan ng matitinding baha at pagkasira ng mga marine lives at iba pa.  Kahit patuloy na ito’y ini-ignore ng publiko, hindi sumusuko si Sen. Loren sa kanyang adbokasiya na mapalaganap ang pangangalaga sa ating kalikasan. 

Anak ni Gina Pareño, manang-mana sa kanya

Kapag isinadula ang buhay ng award-winning veteran actress na si Gina Pareño, hindi na mahihirapan ang producer pumili kung sino ang puwedeng gumanap sa papel ni Gina dahil nariyan ang kanyang actress daughter na si Raquel Pareño (Tajonera) para gumanap as the young Gina.  Carbon copy ni Gina ang anak niyang si Raquel pati kanilang speaking voice ay magkapareho.

 â€œPati sa boobs, mana sa akin,” natatawang pahayag ni Gina.

Gina texted us last Saturday para panoorin ang  Wansapanataym dahil naroon ang kanyang anak na si Raquel at nangako kaming aming panonoorin. Very Gina si Raquel.  Although wala pang balak si Gina magretiro, alam na niyang ang anak niyang si Raquel ang magpapatuloy sa kanyang career.

 

ANAK

GINA

GINA PARE

KANYANG

NIYANG

RAQUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with