^

PSN Showbiz

Kris hindi mapakali sa maiksing buhok

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Iba na naman ang hair style ni Kris Aquino and this time, si Celeste Tuviera naman ang nag-ayos. Tila nag-i-enjoy sa short hair ang TV host-actress dahil mula nang magpagupit, parang three times na nitong binago ang hair style.

Hindi kami magugulat kung next week, bago na naman ang ayos ng buhok ni Kris dahil ang feeling nito, humahaba na uli ang hair niya.

Anyway, kagabi dumalo si Kris sa State dinner para kay U.S. President Barack Obama sa Malacañang suot ang purple gown na gawa ni Cary Santiago. Kaya siguro taped ang Aquino and Abunda Tonight kagabi dahil sa state dinner.

This Tuesday, may meeting uli si Kris sa Regal Entertainment at kung para na ito sa movie nila ni Derek Ramsay, matutuwa ang fans ng dalawa na na-excite mula nang i-announce sa contract signing ni Derek sa Regal na gagawa sila ng movie.

Produ nabuwisit sa aktor na may offer sa ibang film company

Siguradong manghihinayang ang magaling na aktor at fans nito kapag hindi na­tuloy ang aktor sa pelikulang pagbibidahan ng isang magaling na aktres. Ang aktor sana ang kapareha ng magaling na aktres, kaya lang, nagkaroon ng problema sa negosasyon.

May movie contract pa ang aktor sa isang film company at ang sabi, hindi idinaan ang offer sa pro­ducer na nag-react nang malaman ang offer ng ibang production.

Ang natatandaan namin, nagsama na sa pelikula ang parehong magaling na aktres at aktor sa movie company nang nag-react na producer. Maganda ang ginawa nilang movie at nagpanalo pa ng award sa aktor. Reunion sana nila ang pelikula at first time ng aktor sa nasabing film company.

As of today, wala pang linaw kung ipahihiram ng producer sa ibang company ang aktor na may kontrata sa kanya. Umaasa ang nakakaalam sa offer na maging maayos ang pag-uusap ng mga producer at payagan ang akor na tanggapin ang ibang kumpanya.

Bea manggugulo kina Alden at Marian

Kasama na si Bea Bi­nene sa cast ng Car­me­la at sa week 13, pa­pasok ang karakter niyang si Eunice na ma-i-involve daw kay Alden Richards. Special par­ticipation ang teen actress sa teleserye at kung hanggang week 16 ang labas niya, ibig sa­bihin, hanggang sa en­ding, mapapanood siya.

Comedy ang shows ni Bea na Vampire ang Daddy Ko at Pepito Manaloto (recurring ang karakter niya), matagal na siyang hindi napapanood sa seryosong role at baka mangyari ito ngayon sa Carmela.

Excited din ang fans ni Bea na ipapareha siya kay Alden at malay nga namang kakitaan sila ng magic at malakas na chemistry at muling pagsamahin ng mas matagal sa ibang soap ng GMA 7.

Bangs Garcia ayaw kay Enrique

Special participation lang si Bangs Garcia sa Regal Entertainmnent movie na So, It’s You. Ilang eksena lang siya, pero masaya pa rin na nakasama sa movie na gaya ni Mother Lily, naniniwalang kikita dahil maganda, nakakatuwa at kakaiba raw ang love team nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Second movie na ito ni Bangs sa Regal dahil kasama siya sa Shake, Rattle & Roll 10  at kinukuha siya kahit walang kontrata sa movie company ni Mother Lily. Wish nito, makagawa pa ng ibang pelikula sa Regal.

Nali-link si Bangs kay Enrique Gil, pero sabi nito, hindi nanligaw sa kanya ang aktor, friends lang sila mula nang magkasama sa isang out of town show. Okay daw sila ng parents at siblings ng aktor, pero hanggang doon lang ‘yun. Ayaw nito ng mas bata sa kanyang BF, she’s 22 years old at 22y/o lang si Enrique, mahirap sa kanya ‘yun.

Nagbibida na si Bangs, pero okay lang sa kanya ang magkontrabida dahil gusto niyang mag-explore, gumanap ng iba’t ibang role dahil gustong maging versatile actress.

 

AKTOR

ALDEN RICHARDS

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BANGS GARCIA

BEA

BEA BI

MOTHER LILY

MOVIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with