^

PSN Showbiz

Ka-grupo ni Cedric naduwag nang tumestigo

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nabahag pala ang buntot nung tatayo sanang whistle blower ni Cedric Lee, et al. Umatras ito kahit nakapagsabi na ng  kanyang intensyong mag-tell all sa isang beteranong mamahayag. Hindi ko siya masisi. Baka nga naman hindi lamang siya ang maapektuhan ng kanyang gagawin kundi maging ang pamilya niya.

Alam siguro niya ang extent ng kapangyarihan ng kanyang babanggain. Kaya, balik siya sa pagi­ging wanted din.

Matteo ‘nakuha’ na ang mga magulang ni Sarah

Congrats Sarah G. at Matteo G. Mukhang napalambot n’yo na ang mga magulang ni Sarah para ipagkatiwala na sa actor/sportsman ang kanilang pinakamamahal na anak. Na-realize na ba nila na matanda na ang anak nila at kaya nang dalhin ang sarili niya maging sa pag-ibig? Napalambot na ba ni Matteo ang kanilang puso sa hangarin  nito kay Sarah kaya pinagbibigyan na nila ito?

Juday gagawin ang pelikula ni Nora noon

Mabuti naman at pagagawin na ng Star Cine­ma ng movie si Judy Ann Santos. Ang tagal na siyang name-miss ng mga tagahanga niya sa pelikula. Bagaman at magaling din naman siyang host sa TV,  iba pa rin ‘yung nakikita nila siyang umaarte. Na siyang pinag-umpisahan niya at kung saan ay nakilala siya bilang isa sa pinakamahusay.

Nasa planning stage pa ang Maria, Leonora, Teresa, at pinipili pa kung sino ang mga makakasama niya. Basta ang importante, may movie na siyang gagawin.

ALAM

BAGAMAN

CEDRIC LEE

CONGRATS SARAH G

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MATTEO

MATTEO G

STAR CINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with