Honeymoon ni Jericho at Kim ipagpapaliban para sa 'The Legal Wife'
MANILA, Philippines – Sa Huwebes na ang kasal ni Jericho Rosales at Kim Jones pero matatagalan ang kanilang honeymoon dahil sa siksik na schedule ng “The Legal Wife†main actor.
Sinabi ni Jericho na sa Hunyo o Agosto pa ang kanilang honeymoon dahil kailangan niyang mag-taping sa primetime drama na pinagbibidahan nila ni Angel Locsin at Maja Salvador.
“Unfortunately, we had to postpone the honeymoon because of 'The Legal Wife.' After the wedding, I have to go back to 'The Legal Wife.' I have a few days break. And then we both decided na we'll do it in June or August,†wika ni echo.
“We're definitely going somewhere. Siyempre kailangan andun pa yung init ng kakakasal n'yo lang.â€
Ikinuwento ni Jericho na magiging intimate ang kanilang kasal kung saan pili lamang ang mga imbitado.
Dagdag niya na medyo naaawa siya sa kanyang soon-to-be wife dahil sa kanyang busy schedule.
“She's good (Kim). Sometimes medyo I feel na medyo stressed. But ako, I feel a little bit bad because I'm very busy and I wish that I had more time. But okay naman kami, nahahandle naman namin ng maayos.â€
Samantala, nahuli na ang role niyang si Adrian na nakikipagrelasyon kay Maja at kung si Jericho ang tatanungin ay nais niyang magdusa ang kanyang ginagampanang character.
“I really want him to suffer. I really want Adrian to face the consequences. Kasi andun yung lessons.â€
- Latest