^

PSN Showbiz

Nanalong Biggest Loser nagbawas ng mahigit kalahati sa original na timbang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos magbawas ng higit sa kalahati ng kanyang paunang timbang, itinanghal na Pinoy Biggest Loser si Bryan Castillo ng Makati sa bigating pagtatapos ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles noong isang gabi (Abril 26).

Nakapagtala si Bryan ng kabuuang weight loss percentage na 52.56% mula sa simula ng programa o 154 pounds. Mula 293 pounds, 139 pounds na lang si Bryan.

Dinaig ni Bryan ang ibang co-fina­lists na sina Kayen Lazaro, Francis Asis, and Osie Nebreja upang mag-uwi ng P1 milyon, home appliance showcase, business franchise package, P100,000 worth of sporting good and accessories, at lifetime gym membership.

“Hindi pa po nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyayari. Sobrang saya ng feeling na nakuha ko ‘yung title na Biggest Loser. Siyempre ang hiling ko lang naman ay mapasaya ‘yung pamilya ko. Ito yung binigay ni God sa akin,” ani Bryan.

“Ngayon, tumatayo ako dito sa harap ninyo na wala ng takot. Hindi na ako tatalikod. I’m looking forward to a better future and a better Bryan,” pahayag niya.

Bahagi si Bryan ng tinaguriang Team Magkapatid kasama si Ikya, na natanggal sa kumpetisyon matapos ang tenth weigh-in. Bilang bigating double, sila ang may pinakamaraming challenges na napanalunan sa loob ng Biggest Loser Doubles camp. 

Wagi naman ng P500,000 ang first runner-up na si Kayen. Mula 287 pounds, kasalukuyang 142 pounds na lang ang bigat niya o katumbas sa 50.52% na weight loss percentage.

Second at third runners-up naman sina Francis at Osie ng Bagong Bigateam na nagtala ng weight loss percentages na 48.85% at 47.5%. Dahil nakarating sila sa finale nang buo, dodoblehan ang cash prizes na P300,000 at P200,000 na kanilang iuuwi. 

Panalo rin ng isang taong gym membership and home appliance showcase ang tatlong runners-up.

Pinangunahan ang grand finale ng host na si Iza Calzado, kasama ang challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo.

Rumampa rin sa grand finale ang ex-contestants na sina Ikya, Carl Lazaro, Ralph and Christian Du, Pat Martinez and Cathy Bautista, at Tin and Dianne Obsina upang ipakita ang kanilang mas payat at malusog na katawan.

Gumawa ng kasaysayan ang nasabing season ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles dahil ito ang kauna-unahang edisyon sa global TV franchise kung saan hindi gumamit ng kahit anong gym equipment ang contestants para magpapayat. Sa pangunguna ng fitness coaches at real-life magka-double na sina Jim at Toni Saret, nakapagbawas ng kabuuang 1,421 pounds ang lahat ng contestants ng programa bago ang final weigh-in.

vuukle comment

BAGONG BIGATEAM

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER DOUBLES

BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES

BRYAN

BRYAN CASTILLO

CARL LAZARO

FRANCIS ASIS

IKYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with