^

PSN Showbiz

Cong. Alfred Vargas mabilis hingan ng tulong

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Ang pagkakasakit ay biglang dumarating sa isang tao nang ‘di inaasahan gaya nang nangyari sa akin. Kalalabas ko lang ng ospital kung saan na confined ako sa Chinese General Hospital ng 22 days.

Nagsimula sa ubo na inabot ng ilang linggo at kumukunsulta naman ako sa aming doctor ay binibig­yan lang ako ng gamot.

Dumating ang madaling araw ng April 1 nang hindi ako makahinga, para akong nalulunod kaya nagpasya ako na padala sa ospital. Sa Emergency room ay napag-alamanan na 40% na lang ang oxygen sa     aking ka­ta­wan. Meron pala akong tubig sa baga kaya nilagyan ako  ng tubo na tatlong araw kong tiniis sa sakit. Nang matanggal ito ay nawala ang tubig sa aking baga pero bumalik din ito, dahil napag-alamanan (sa angiogram na machine) na ang aking puso ay may bara at makitid ang dinaraanan ng dugo sa aking aorta.

Nagpasiya ang aking mga doctor  (anim sila) sa pangunguna ng cardiologist na si Dr. Alvin dela Cruz na sumailalim ako sa bypass operation. Biglaan naman ang desisyon, ‘di ba? Sumang-ayon na rin ako pero deep inside of me, takot ako at labag na labag ‘to sa kalooban ng aking ina, dalawang kapatid at asawa. April 23 ang petsa ng bypass operation.

Lahat ng dasal, sakripisyo dahil sa sakit ay inoffer ko sa Kanya. Huwebes Santo ay nag-text ako kay Cong. Alfred Vargas para hu­mingi ng donor para sa sampung bags ng dugo na gagamitin sa bypass operation. 

Sumagot naman agad si Alfred at sina­bing makikipag-coordinate siya sa chief of staff na si Rizal Morales para sa kukuning donor na dugong Type O. Tumawag ang mabait na chief of staff at sina­bing ready na ang limang lalaki na donor ng dugo at pupunta na lang sa CGH after Holy Week.

Nung Sabado de Gloria ipinakilala sa akin ang mismong oopera na si Dr. Chuachiaco na Medical director ng Phil. Heart Center. Kinuha niya ang tape ng aking angiogram, pinag-aralang mabuti. Wala na akong ginawa sa araw at gabi kundi magdasal nang taimtim gayundin ang aking mga kamag-anak, pamilya at kaibigan. Dinarasal ko na huwag nang ituloy ang bypass dahil baka hindi ko rin kakayanin.

Sabado nang puntahan ako ni Dr. Alvin at nagkaisa sila na huwag nang ituloy ang bypass operation. Sa halip, kapag malakas na ako ay isasagawa ang angioplasty stenting ballooning of narrowed heart arteries. Halos maluha ako sa galak laluna ang aking pamilya. Totoo ngang walang imposible sa Panginoon at pinakamabisa pa ring gamot ang pagdarasal.

Salamat sa aking mga doctor na sina Dr. David Kwong, Dr. Alvin dela Cruz, Dr. Bernice dela Cruz, Dr. Rachelle Chua, Dr. Chuachiaco, Svethlana Maguslog at mga nurse ng 4 station.

Pasasalamat din sa dati kong estudyante ng UE na si Linda Dayrit PRO ni Dr. James Dy sa pag-aasikaso, salamat din kay Boss Aida Tieng na dumalaw sa ospital at sa aking matapat na kaibigang sina Rowena Agilada at Dennis Aguilar. Higit sa lahat sa aking pamilya na nagsilbing lakas ko ng loob.

PERSONAL – Pagbati sa aking pamangkin na si Michael Angelo Abuan de Regla ang anak nina Eileen at Mike na nagtapos sa F.E.U ng BSE major in English at nagtamo ng karangalan bilang Magna Cum Laude.

AKING

AKO

ALFRED VARGAS

BOSS AIDA TIENG

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

DENNIS AGUILAR

DR. ALVIN

DR. CHUACHIACO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with