Tom at Carla, aminadong may chance magka-debelopan!
Bawal tanungin si Carla Abellana tungkol kay Geoff Eigenmann o sa napakamaintrigang break-up nila sa presscon ng pelikula niya sa Regal Films na So It’s You. Mismong si Mother Lily Monteverde ang nakiusap sa media na iregalo na sa kanya ito dahil baka makasira pa sa takbo ng promosyon ng movie niya na isang rom-com at kung saan ay inili-link si Carla sa kanyang leading man na si Tom Rodriguez. Kabi-break din lang kasi ni Tom sa kanyang showbiz girlfriend so napakalaki ng posibilidad na magkadebelopan sila ng kanyang kapareha. Lalo’t nakikita ng lahat na napakaganda nilang pagmasdan na dalawa sa screen.
“Anything is possible, pero huwag nating pangunahan ang Diyos. At kung anuman ang pinagdadaanan ko ngayon ay ayaw ko namang idamay si Tom,†paliwanag ni Carla na nagtataka kung bakit pati ang pangalan ng isa niyang ex na nakatakda nang pakasal sa taong ito ay nakakaladkad pa rin sa isyu ng hiwalayan nila ni Geoff. Sinasabi kasi na tinawagan niya ito for a shoulder to cry on pero sinabi niyang, “Bakit naman siya ang tatawagin ko? Bakit ko pa siya gagambalain eh, naririyan naman ang pamilya at mga best friends ko. Nakakahiya dahil nasasama pa siya sa intriga samantalang kami lang ni Geoff ang hindi nagtugma. Magkaibang-magkaiba kami at hindi naman ako ganun ka-desperado,†sabi niya.
Hindi lang sa trailer kinagigiliwan ng tao ang moÂvie. Marami pa itong magagandang eksena. Bigay na bigay ang dalawang bida sa mga eksenang magpapakilig ng manonood. Puwedeng-puwede talaga silang maging Mr. & Ms. Right.
Nabanggit nga pala ni Carla na katulad ni Kris Aquino at Sarah Geronimo na pinagdiskitahan ang kanilang mga buhok bilang senyales ng pÂagrerebelde sa mga nangyayari sa kanila, nagpaikli rin ng buhok si Carla makaraan ang break-up nila ni Geoff. ‘Yun nga lang, hindi niya ito napaiklian nang husto dahil may kontrata siya para sa isang shampoo at wala namang nakakahalata na umikli nga ito kung hindi pa niya sinabi.
Unlike Kris na hindi mapigil na hindi magsalita tungkol kay Mayor Herbert Bautista nung nanliligaw pa ito sa kanya at maging hanggang ngayong gumive-up na ito, si Carla ay ayaw pag-usapan o magsalita ng tungkol sa kanyang ex. Ito ang paraan niya para maka-move on siya ng mabilis na iginagalang naman ng lahat, maging ng media.
JC mas malaki ang billing kina Carla at Tom
Marami talagang projects na ginagawa ngayon si JC de Vera. Bukod sa dalawang teleserye niya sa ABS-CBN, ang Moon of Desire at The Legal Wife, akalain mong nakatapos pa siya ng isang movie sa Regal, ang So It’s You na pinagbibidahan nga nina Carla at Tom.
Pero bagaman at hindi siya bida sa movie kundi suporta lang ng dalawa, iÂbinigay sa kanya ang paggalang bilang mas beteranong artista kaysa sa dalawa, inilagay ang pangalan niya una sa billing kina Tom at Carla which must surely make him happy.
Dalawang Biggest Loser nagka-inlaban?
Bagaman at nanghihinayang ako sa sinapit ng Du Brothers sa The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles, hindi naman ako tutol sa nanalong si Bryan Castillo dahil siya naman ang may pinakamalaÂking weight loss among the Top Four. Maswerte rin ang Bigateam nina Francis at Mommy Ossie dahil sila lamang ang Doubles na nakarating sa finals. Kung hindi pa napaalis ang magkapatid na Du ay baka hindi nakamit ang suwerte nila. Sana nagbigay ng follow up ang show kung natuloy ang panliligaw ng isa sa Du Brothers kay Pat Martinez, isa sa mga Celebrity Doubles.
Ang fans ng TBLD ay eager to know kung may nangyari bang maganda sa dalawang Doubles na natanggal.
- Latest