Sarah Box Office Queen na, Female Concert Performer at Female Recording Artist of the Year ng Guillermo Mendoza Awards!
MANILA, Philippines - Tatlong major award ang napanalunan ni Sarah Geronimo mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Bukod sa pagiging Box Office Queen para sa pelikulang It Takes a Man and a Woman (declared box office king ang ka-partner niyang si John Lloyd Cruz), siya rin ang nanalong Female Concert Performer of the Year at Female Recording Artist of the Year.
Ito na ang ikatlong beses na nagwaging Box Office Queen ang Popstar Royalty.
Phenomenal stars naman sina Vic Sotto and Vice Ganda dahil sa mga pelikula nilang tumabo sa takilya noong nakaraang Metro Manila Film Festival.
Ang mga nanalo ayon sa bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ay kinuha sa top ten movies na ipinalabas sa noong 2013.
Gaganapin ang awards night sa May 18, Sunday, sa Solaire Resorts and Casino.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo matapos ang deliberation and selection ng grupo last Friday, April 25, sa Barrio Fiesta EDSA Greenhills.
Phenomenal Stars – Vic Sotto and Vice Ganda
Phenomenal Child Stars – Ryzza Mae Dizon and Bimby Aquino Yap
Box Office King – John Lloyd Cruz (It Takes a Man and a Woman)
Box Office Queen – Sarah Geronimo (It Takes a Man and a Woman)
Film Actor of The Year – Robin Padilla (10,000 Hrs.)
Film Actress of the Year – Maricel Soriano (Girl, Boy, Bakla, Tomboy)
Prince of Philippine Movies – Daniel Padilla
Princess of Philippine Movies – Kathryn Bernardo
Most Promising Male Star of the Year – Enrique Gil
Most Promising Female Star of the Year – Janella Salvador
Male Concert Performer of the Year – Vice Ganda
Female Concert Performer of the Year – Sarah Geronimo
Male Recording Artist of the Year – Christian Bautista
Female Recording Artist of the Year – Sarah Geronimo
Promising Male Singer/Performer – Daniel Padilla
Promising Female Singer/Performer – Bea Binene
Most Popular Recording/Performing Group - Calla Lily
Most Promising Recording/Performing Group – 1:43 (Sa Isang Sulyap Mo)
Most Popular Novelty Singer – Toni Gonzaga (Kahit Na)
Top Rating Primetime Drama – Juan dela Cruz (ABS-CBN)
Top Rating Daytime Drama – Be Careful With My Heart (ABS-CBN)
Top Rating News and Public Affairs – Kapuso Mo Jessica Soho (GMA-7)
Top Reality Talk/Talent Search/Game Show – The Voice of the Philippines (ABS-CBN)
Top Rating Noontime Musical/Variety Program – Eat Bulaga (GMA-7)
Most Popular Love team on Television – Richard Yap and Jodi Sta. Maria
Most Promising Love team on Television –Janella Salvador and Jerome Ponce
Most Popular Male Child Performer – Raikko Mateo (Honesto)
Most Popular Female Child Performer – Mutya Orquia (Be Careful With My Heart)
Most Popular Film Producer – Star Cinema
Most Popular Screenwriter – Carmi Raymundo (It Takes a Man and a Woman)
Most Popular Film Directors – Marlon Rivera (My Little Bossings);
Wenn Deramas (Girl, Boy, Bakla, Tomboy)
Special Awards:
Bert Marcelo Lifetime Achievement Award – Pokwang
Government Service Award – Manila Mayor Joseph E. Estrada
Construction ng ‘White house’ sa Baguio tuluy-tuloy kahit inirereklamo
Tuloy pala ang construction ng controversial na bahay nang tinatawag na Lord of Scents na si Joel Cruz sa Camp John Hay, Baguio, sa kalagitnaan ng golf course ng lugar. Pinangalanang White House, bongga ang design ng bahay. May ilang glass wall ang ginagawang bahay na nakakatakot dahil baka any moment ay bumalibag na lang sa titira ang bola ng golf na oras na tamaan ka ay tiyak na hindi lang basta pasa ang makukuha mo.
Unless ang wall ng bahay ay semento na nakakahinayang naman dahil bakit ka pa nagbahay sa ganung lugar kung hindi mo naman makikita ang paligid mo sa lugar ng Baguio.
Pinag-uusapan ang nasabing bahay dahil sa reklamo ng golfers sa nasabing Camp John Hay.Kaya lang may contract naman silang pinakikita kaya walang magawa ang mga nagrereklamo.
- Latest