Hollywood actress nagpakasal na sa photog na ex ni Ellen Degeneres
Nag-out na rin ang Hollywood award-winning actress at Silence of the Lamb star na si Jodie Foster sa kanyang totoong sex preference na isa rin siyang lesbian tulad ng TV host icon na si Ellen Degeneres. Ano ang connection ng dalawa? Ang ex-girlfriend ni Ellen na si Alexandra Hedison, na isang Oscar winner photographer-actress ay pinakasalan ni Jodie!
Ayon sa balita, halos isang taon na ring nagdi-date sina Jodie at Alexandra hanggang sa magdesisyon ang dalawa na magpakasal at ito’y nangyari over the weekend sa isang undisclosed place.
Bago si Alexandra, 20 taong nagsama sina Jodie at actress na si Cydney Bernard at si Alexandra naman ay natapos ang relasyon kay Ellen Degeneres in 2004.
Kahit hiwalay na sina Jodie at Cydney ay nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan.
Taong 2008 nang maghiwalay ng landas sina Jodie at Cydney.
Ang pag-a-out ni Jodie publicly ay nangyari in January 2013 sa kanyang acceptance speech sa Golden Globe Awards.
Speaking of Jodie Foster and Alexandra Hedison, malamang na sila ang maging peg ng enÂgaged-to- be married na sina Aiza Seguerra at girlÂfriend nitong si Liza Dino. At malamang na ito’y gawin din ni Charice sa kasintahang si Alyssa Quijano although hindi pa siya nagpu-propose rito.
Since bukas na sa ibang bansa ang same-sex marriage, parami nang parami ang mga gay showbiz couple ang nagbabalak magpakasal laluna sa Amerika na unang sinampolan nina Direk Jun Lana at TV executive Perci Intalan na nagpakasal sa New York nung nakaraang Disyembre.
Arjo may pag-asang makuha ang dream girl
Dream come true para sa binata nina Sylvia Sanchez at Art Atayde na si Arjo Atayde ang makatambal ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga at ito’y nangyari sa kanilang romantic-comedy series na ginagawa, ang Pure Love.
Kahit nung hindi pa sila pinagtaÂtambal ng ABS-CBN, naging vocal si Arjo sa kanyang paghanga sa kikay na si Alex dahil sa pagiging masayahin nito.
Ngayong magkatambal na sina Arjo at Alex sa isang serye, malamang na ma-develop ang kanilang friendship into something special.
Ang isa pang may gusto kay Alex ay ang Korean actor-comedian na si Ryan Bang pero parang kapatid lamang ang tingin sa kanya ni Alex.
Maybe This Time inaasahang tatalbugan ang movie nina Sarah at John Lloyd
In full swing ang shooting ng pelikulang Maybe This Time na siyang first team-up ng pop princess na si Sarah Geronimo at drama prince na si Coco Martin. Ito’y pinamamahalaan ni Direk Jerry Sineneng at joint production ng Star Cinema and Viva Films. Tampok din sa nasabing pelikula sina Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla, Buboy Garovillo, Tony Mabesa, Ogie Diaz, Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Alex Castro, Minnie Aguilar, Kathleen Hermosa, Cecil Paz, Devon Seron, at Garlic Garcia.
Kung naging box office hits ang tambalan noon nina Sarah at John Lloyd Cruz at maging ng kanyang rumored ex-boyfriend na si Gerald Anderson, ganoon din ang inaasahan sa tambalan nina Sarah at Coco na may kakaibang kilig factor.
Loveless si Coco habang `secretly and happily in love’ naman si Sarah sa triathlon-actor na si Matteo Guidicelli.
- Latest