^

PSN Showbiz

Shaina dapat gayahin ng mga dumadakdak pagkatapos makipag-break

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mabuti pa si Shaina Magdayao, wala kayong naririnig ni anuman simula nung mag-break sila ni John Lloyd Cuz. Maging ang sinasabing relasyon nila ni Piolo Pascual ay walang tumututol, kahit pa pareho nila itong itinatanggi.

‘Yung mga ibang nagbi-break, ang dami pang ingay. Hindi na lang maghiwalay kung maghihiwalay. Ang da­mi pang gulo at idina­damay. When an affair is over, its over. Mabuti kung magba­balikan kayo, pero kung hindi, find another one quick. Pinaka-magandang gamot sa isang broken heart ay isang relasyon. Huwag pilitin kung talagang hindi na puwede.

Kristoffer pinapanigan ng kapalaran

Maganda para kay Kristoffer Martin ‘yung pagganap ng gay role sa isang programa ng GMA. Muli mapatutunayan niya na may talento siyang nakahihigit kaysa sa marami niyang kasabayang Kapuso.

Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, ang kanyang napaka-expressive face and eyes ang bentahe ng young actor. Kailangan lamang niya ng isangtambak na  dose of luck to succeed in this business. So far, ginagabayan naman siya ng suwerte.

Suwerte-suwerte lang ‘yan

Masuwerte ang grupong Do Re Mi nina Regine Velasquez-Alcasid, Donna Cruz- Larrazabal, at Mikee Cojuangco-Jaworski dahil pare-parehong masaya ang kanilang marriages. Paano, tumigil sa pag-aartista ang dalawa. Hindi naapektuhan ng gulo at intriga ng showbiz. Pero si Songbird naman artista  pa hanggang ngayon eh, at hapi naman sila ni Ogie? Suwerte-suwerte lang siguro ‘yan.

 

BUKOD

DO RE MI

DONNA CRUZ

JOHN LLOYD CUZ

KRISTOFFER MARTIN

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

PIOLO PASCUAL

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

SUWERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with