^

PSN Showbiz

Cedric Lee sa Cebu nagtatago!, TV5 makikipagsalpukan na uli sa Showtime at Eat Bulaga

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lumipad kahapon si Korina Sanchez sa Rome, Italy para sa coverage ng canonization bilang Santo ni Blessed John Paul ll. Si Korina ang ipinadala ng ABS-CBN sa canonization sa April 27 ng Santo Papa na dalawang beses na bumisita sa Pilipinas noong 1981 at 1995.

SCENE: Pinaboran ng mga tao ang dalawang buwan na suspension na ipinataw kay DILG Secretary Mar Roxas ng Wack Wack Golf and Country Club dahil sa pagmumura niya sa club employees noong April 6.

SEEN: Dapat rendahan ng direktor ng The Legal Wife ang exaggerated acting ni Angel Locsin sa mga dramatic scene nito.

SCENE: Nakasentro sa Cebu City ang paghahanap ng NBI agents kay Cedric Lee dahil sa report na doon nagtatago ang utak sa pambubugbog kay Vhong Navarro.

SEEN:  Walang balak si Dennis Da Silva na i-deactivate ang kanyang Facebook account na nagbigay sa kanya ng problema dahil lumabas ang balita na active siya sa Facebook, kahit nakakulong sa Pasig City Jail.

SCENE: Malapit kay  Dennis Da Silva ang administrator ng Facebook account ng nakakulong na aktor. Ipinapahamak niya si Dennis sa kanyang ginagawa at nanloloko siya ng mga tao na paniwalang-paniwala na ang aktor ang ka-chat nila sa Facebook.

SEEN: Ang plano ng TV5 management na itapat sa Eat Bulaga ng GMA 7 at  It’s Showtime ng ABS-CBN  ang Face the People, ang talakserye nina Gelli de Belen at Tintin Bersola.

SCENE:  Sa gradua­tion ng kanilang anak na babae noong nakaraang linggo ang huling sighting kay Quezon City Mayor Herbert Bautista at sa kanyang longtime partner na si Tates Gana.

ANGEL LOCSIN

BLESSED JOHN PAUL

CEBU CITY

CEDRIC LEE

DENNIS DA SILVA

EAT BULAGA

FACE THE PEOPLE

FACEBOOK

KORINA SANCHEZ

LEGAL WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with