Geoff wala raw plano sa buhay kaya kinalasan ni Carla!
MANILA, Philippines - Uy totoo kayang ang lola ni Carla Abellana ang rason kaya tuluyan nitong hiniwalayan ang boyfriend na si Geoff Eigenmann?
Say daw ni Lola Delia Razon ni Carla : “Ano ba ‘yang boyfriend mo parang walang plano, para rin ‘yan ‘yung tatay mo,†something to that effect raw na sabi ng lola ni Carla ayon sa isang source.
Saka madalas daw sabihin ni Carla na “I have a new business na. May binili akong property sa Tagaytay. Ikaw anong mga investment mo.â€
Ang lagi raw sagot ni Geoff, “I have money in the bank,†kuwento ng source.
Ayun kaya raw talagang humantong na sa hiwalayan ang kanilang apat na taong relasyon.
Well siguradong may sagot ang kampo ni Geoff tungkol dito dahil wala naman sa character niya ang walang plano.
Anyway, makaklaro ni Carla ang isyung ito ngaÂyong araw dahil may presscon ang movie nila ni Tom Rodriguez na So It’s You na ayon sa director nilang si Jun Lana ay bagay ang dalawa.
Anyway, ngayon lang pala gumawa ng pampakilig na movie ang award-winning director. PaÂlibhasa in love rin sa totoong buhay kaya naman damang-dama ni Jun kina Carla at Tom ang saktong timpla at chemistry sa screen ng dalawang taong nagmamahalan. Remember kakakasal lang ni Direk Jun sa dating TV executive na si Perci Intalan.
Kapwa bigo sa pag-ibig sina Carla at Tom sa So It’s You. Pero pinagtagpo uli sila at naging malapit sa isa’t isa hanggang magka-inlaban ulit. ‘Yun nga lang, taliwas ang paniniwala sa pagmamahal kaya dala-dala pa rin ang kahapon sa malungkot na relasyon kaya naman nagpipigil sila.
Sa totoong buhay kaya nagpipigil din sila sa nararamdaman nila sa isa’t isa? Malakas ang chemistry nila at lahat ay nagsasabing bagay na bagay sila.
Eh kasalukuyan pa namang nagdadalamhati ang aktres.
Kahit may dinaramdam na sakit ng puso, kita namang feel na feel pa rin niya ang mga romantikong eksena gaya nang eksena sa swimming pool, nang halikan niya si Tom sa labi at iba pang nakakakiliting eksena.
Pero nang may magtanong kay Carla kung nanliligaw ba sa kanya si Tom nu’ng time na malapit na malapit sila sa isa’t isa sa shooting, tugon daw ng aktres, “Hindi ko alam! Masaya lang kami pag magkasama. Mabait naman kasi siyang tao!â€
At hindi lang daw sa trailer ng movie makikita. “Naku, marami pang magagandang eksena na nakaka-in love! Bigay na bigay talaga sina Carla at Tom sa mga eksenang magpapatibok sa puso ng tao. Puwedeng maging Mr. Right si Tom kay Carla kung sakaling merong mabuo sa kanilang pagtitinginan,†dagdag ni Direk Jun.
Showing na sa May 7 ang So It’s You. (SVA)
- Latest