Jackie magre-Reyna Elena sa Binangonan
MANILA, Philippines - Ang bayan ng Binangonan, Rizal ay isa sa itinuturing na mayaman sa kultura at tradisyon katulad ng Binalayan Festival, Sunduan at Santacruzan. Isang kaugaliang hindi kinalimutan ng mga taga-Binangonan ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid na kung saan matatagpuan ang ‘Kalbaryo’ na lalong pina-ayos at pinaganda ng masipag na Mayor Boyet M. Ynares at ito’y nagsisilbing pasyalan ng mga local at dayuhang turista na nagsasadya rito siyam na araw na panalangin (lutrina) bilang parangal sa Krus.
Ang pagdiriwang na ito ay inumÂpisahan ng mga kastila sa banÂsa at dahil naging bahagi na tradisyon ng Pinoy, ito ay may temang kabataan, pag-ibig at pagkakaisa.
Ang magandang bituin ng Innamorata at Bubble Gang na si Jackie Rice ang magiging Reyna Elena. Ito ay lalahukan din ng mga piling dilag sa nasabing bayan at winners ng King and Queen Binalayan Festival 2014.
Panata ang turing sa Santacruzan. Ayon kay Gomer O. Celestial, project chairman, na ang Santacruzan ay tampok sa Pista ng Krus sa Barangay Libid sa May 4, 2014 sa ganap na ika-7 ng gabi.
Ito ay pagtataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid sa pamumuno nina Brgy. Chairman Wilfredo Cenal, Engr. John Jerusalem, Engr. Rico Celestial, Carlos Mesa, Leonardo Celetial Jr., Gil Anore, Edgardo Flores at Armin Arada at sa pakikipagtulungan nina; Mayor Boyet M. Ynares, Kabalikat Civicom, Club 109 Raiders, Mrs. Bonek Tirana, Victor Santos, Alice de Jesus, Matet Gavino, Angie Goto, Aya Lozada at Brgy. Tanod para sa kaayusan ng prusisyon.
- Latest