^

PSN Showbiz

Dingdong namimili pa kung Senador o Partylist Rep. ang kakandidatuhan sa 2016; One Direction may concert sa 2015

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN:  Susundin ng Pinoy Big Brother ang old tradition na pagsasama-samahin sa isang hotel ang mga bagong housemate bago sila ipakilala sa publiko sa April 26.

SCENE:  Dapat ikabahala ni Louise delos Reyes ang  banta at ebidensya na hawak ng tatay ni Enzo Pineda na magpapatunay na  diumano, two-timer girlfriend siya.

SEEN: May sapat na dahilan si Cedric Lee na magtago dahil hindi dapat ipag-walang bahala ang excitement ng mga preso na  naghihintay sa pagdating niya sa kulungan.

SCENE: Mga fugitive na ang turing kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Jed Fernandez, Simeon Raz, at  Ferdinand Guerrero dahil sa patuloy na pagtatago nila sa batas.

SCENE : Ang  tactless statement ni Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight na hindi siya buntis dahil wala siyang ginagawa para mabuntis.

SEEN:  Papalag ang milyun-milyong Pilipino kapag na­ging state witness ang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Napoles na dapat magdusa sa kulungan dahil sa pag­lustay sa kaban ng bayan. Hindi dapat pinagtiwalaan nina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla, Jr. si  Janet Napoles.

SCENE:  Ang balita na may balak na kumandidato sa 2016  si Dingdong Dantes bilang senador o party list representative.

SEEN : Si Isko Salvador aka Brad Pete sa isang Quezon City  supermarket noong Martes ng gabi. Kinuwestyon ni Brad Pete ang paggamit ng plastic bags ng supermarket employees. Ipinagbabawal sa Quezon City ang paggamit ng plastic bags.

SCENE: Maingay ang balita na magkakaroon ng concert sa March 2015 sa Pilipinas ang sikat na  London -based boyband na One Direction.

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BRAD PETE

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DINGDONG DANTES

ENZO PINEDA

JANET NAPOLES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with