Herbert ‘di maamin ang Relasyon kay tates gana, isyu sa kanila ng presidential sister kinasasawaan na
MANILA, Philippines - Bakit kaya parang walang naniwala sa sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na 2003 pa siya walang karelasyon? Tuloy ang pagpipilit ng iba na 20 years na silang nagsasama ni Ms. Tates Gana kung saan siya may dalawang anak.
Base sa interview, naghahanap nga si Herbert ng mapapangasawa at gusto niyang pakasalan.
So ano ba talaga ang totoo? Imposible namang hindi siya (Mayor Bistek) nagsabi ng totoo sa interview sa kanya ni Mr. Erwin Romulo for Esquire Philippines?
Hindi naman siya puwedeng magsinungaling?
Anyway, may sawa factor na ang balita sa kanila ni Kris Aquino.
Dinarasal ng marami na matapos na ito at maalala ni Mayor Bistek ang responsibilidad niya sa QC.
Toni hindi na trabaho ang turing sa pagho-host, Mariel tuluyan nang nabura sa eksena ng Bahay ni Kuya
Wala pang may idea kung sinu-sino ang papasok sa bagong edition ng Pinoy Big Brother All In na magsisimula na uling umere sa Linggo (Abril 27). Mula edad 15 hanggang 30 ang napili nilang sumali na ikukulong sa loob ng 100 days.
Pangungunahan ang PBB All In ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, Robi Domingo, at ang bagong pasok na si Alex Gonzaga.
“Hindi ko alam kung anong pwedeng i-expect ng viewers sa PBB kasi ang lahat na nangyayari sa loob ng bahay, unexpected. Pati kami, inaabangan namin kung ano ang mangyayari, ang bagong tasks, ‘yung clash ng iba-ibang personalities,†ani Toni.
Nagsimula si Toni bilang host noong unang regular season pa lang ng PBB, ngunit hanggang ngayon ay excited pa rin daw siya kung ano ang mapapanood nilang bago sa show.
“I was only 21 when I joined PBB. Hindi na siya trabaho para sa akin, kumbaga pangalawang paÂmilya ko na. Nag-mature at nag-grow ako rito hindi lang bilang host pero bilang tao na rin,†dagdag niya.
Katulad ni Toni, matagal na ring nagsilbing mukha ng PBB si Bianca. “Ang taas-taas nagsiÂmula ng PBB, at ang challenge sa amin kung paano manatiling interesado ang mga tao sa show,†aniya.
“Nagka-ten editions na kami, so ang ibang housemates, feeling nila alam na nila how to play the game. With the new season, gusto naÂming ibalik ang rawness na mayroon noong season one at ang pagiging totoo ng mix ng housemates,†dagdag ni Bianca, na nagsimulang mag-host sa unang teen edition ng programa.
Makakasama ulit ni Bianca sina John at Robi, this time with Alex sa Uber na mapapanood kada hapon sa Kapamilya Gold.
“Nagulat kami sa chemistry na nabuo sa Uber. Nagkaroon kami ng certain roles na doon na lang nabuo. Nag-jive ang personalities namin. Ngayong binalik ang Uber, ibig sabihin naging successful kahit paano ‘yung ginawa namin,†sabi ni John.
Ito raw marahil ay dahil nakaka-relate sila sa housemates, ayon pa kay Robi, na itinanghal na second placer ng pangalawang teen edition. Naging housemates naman sa unang celebrity edition sina Bianca at John.
Samantala, masaya naman si Alex na maging bahagi ng PBB lalo pa’t sinusubaybayan na niya ito simula nang maging host ang kanyang ate.
“Nag-e-enjoy akong manood kasi bilang tao, chismosa talaga ako, so nagpapakwento ako kay Ate kung anong nangyari sa confession room, kung ano ang mga nangyaring hindi pinalabas,†sabi ni Alex.
Tuluyan nang nawala sa eksena bilang host ng reality ay si Mariel Rodriguez na nilayasan noon ang ABS-CBN at sumunod noon kay Willie ReÂvillame sa TV5.
Mga pelikula at concert ng Viva mapapanood na sa Middle East at North Africa
Nadagdagan na naman ang mga palabas na mapapanood ng mga kababaÂyan natin sa ibang bansa.
Ito ay matapos makipag-partÂner ang Viva CÂommunications, Inc. sa OSN, ang number one at pinaka-malaking Pay TV platform sa Middle East and North Africa.
Naganap ang pirmahan ng partnership recently sa Intercontinental Hotel sa Makati sa pagitan nina Mr. Vicente del Rosario, Jr. Chairman and CEO ng VIVA Communications, Inc. at Mr. Emad Morcos, OSN Senior Vice President. Kaya mapapanood na sa OSN Pinoy channel line up ang mga TV shows at pelikula na gawa nang nasabing kumpanya sa digital platform ng OSN – ang OSN Play.
Ang OSN Pinoy ang may pinaka-malawak na pinagpipilian at pinapanood ng mga Pinoy sa Middle East and North Africa with nine channels from the Philippines.
“We are confident that with the partnership with Viva, we will continue to reinforce our claim as the only home of premium Filipino conÂÂÂtent in the Middle East and North Africa and to further expand our entertainment choices and continue to enhance our valued OSN Pinoy subscriÂbers’ viewing experience,†sabi ni OSN Senior Vice President Morcos,
“We are extremely happy with the partnership with OSN as this allows us to bring the gÂreatest drama series, showbiz-oriented shows, music viÂdeos, reality series, game shows, concerts, and movies to VIVA fans in the region,†hirit naman ni Mr. Del Rosario.
So mas marami nang choices ang mga kababaÂyan nating kumakayod sa ibang bansa.
Kontrobersyal na ending ng Asia’s Next Top Model Cycle 2 ipalalabas uli ng TV5
Kelan lang nang nayanig ang buong bansa sa naging resulta ng Asia’s Next Top Model Cycle 2. Maraming Pinoy ang nag-react sa hindi inaasahang pagkatalo ng dalawang Pinay na sina Katarina Rodriguez at Jodilly Pendre sa pinag-usapang international modeling competition.
Kanya-kanyang post din sa social media ang mga netizens ng kanilang mga sama ng loob sa naging pagwawakas ng programa, kung saan ang 22-anyos na Malaysian na si Sheena Liam ang nagtagumpay at tinanghal na Asia’s Next Top Model.
Dagdag pa rito, ilang araw ring nag-trend sa TÂwitter ang programa, pati na rin ang dalawang Pinay moÂdel patunay na mainit itong pinag-usapan.
Kilala kasi sina Kat at Jody bilang mga paborito ng judges. Bukod rito, naging maganda rin ang kanilang performance sa buong kompetisyon, kung kaya’t tuluyan nilang napataob ang 13 pang mga modelong mula sa ibang bansa na sumali sa seÂcond season ng Asia’s Next Top Model.
Dapat nga ba silang matalo o isa sa kanila dapat ang nagwagi ng titulo?
Muling mapapanood sa TV5 ang drama at galing na ipinakita ng Pinay na sina Kat at Jody.
Ang final episode ng Asia’s Next Top Model CÂycle 2 ay eere sa TV5 ngayong Huwebes, Abril 24 ng 9:00 pm.
- Latest