GRR TNT nagpalamig sa Baguio
MANILA, Philippines - Grabe ang init sa Metro Manila at mga karatig-lugar kaya natural na ang mga nais makatikim ng sariwang hangin at malamig na kapaligira’y umakyat sa Baguio, Mountain Province na tinaguriang summer capital of the Philippines.
Sa Sabado’y tunghayan natin ang karanasan ng mga staff ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) sa ilang araw na bakasyon sa City of Pines.
Samahan natin si Chicadora sa isang food trip. Titikman niya ang strawberry salad at iba pang lutuing ang sangkap ay mga sariwa at malulutong na gulay Baguio.
Ipapasyal din tayo sa mga tanawing dinarayo ng mga turista tulad ng Camp John Hay kung saan puwedeng mag-horseback riding at masampolan ang naroong zipline. Sa mahilig mamangka, dadalhin naman tayo sa lawa sa Burnham Park. Aakyat pa tayo sa Trinidad Valley kung saan mayroong ekta-ektaryang taniman ng gulay at bulaklak.
Karaniwang problema ng mga native ng Mountain Province ang makapal at kulot na buhok. Gagawan ng make over magic si Zaira Galang na nakangiting lumabas sa Gandang Ricky Salon na may straight, shiny at magandang hair matapos gawan ng prosesong Regold.
Para sa kagandahan, kalusugan, modernong make up at hairstyle, atbp. huwag kaligtaang panoorin ang GRR TNT prodyus ng ScriptoVision tuwing Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga.
- Latest